• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-03 22:18:09    
Maligayang Pamumuhay ng mga dayong manggagawa sa Shanghai

CRI

Kasabay ng walang humpay na pagsasabayan at pagsasa-industrya ng Tsina, maraming magsasakang Tsino ang dumadayo sa mga maunlad na rehiyon para maghanap ng ikabubuhay at sila ay tinatawag na dayong manggagawa o migrant worker. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 120 milyong ganitong magsasaka ang nagtatrabaho sa mga industriya ng konstruksyon, kalinisan ng kapaligiran, pagyari, home economics at iba pa. Sa Shanghai lamang ay may 4 na milyong magsasakang Tsino ang nagtatrabaho at nagbibigay sila ng malaking ambag sa pag-unlad ng lunsod. Samantala, nagpapabuti ang pamahalaang municipal ng Shanghai ng kondisyon ng pamumuhay at trabaho ng nasabing mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kumpletong serbisyong medikal, edukasyon At iba pa.

Ang Yong Sheng Community ay isa sa mga pinakamalaking panirahan ng mga dayong manggagawa sa Shanghai. Sa pagkatig at patnubay ng pamahalaang municipal, naglaan ang mga di-pampamahalaang panig ng mahigit 300 milyong Yuan RMB o 37.5 milyong dolyares sa pagtatatag ng nasabing komunidad. Nagbabayad lamang ang mga naninirahang magsasaka ng wala pang 80 Yuan RMB o 10 dolyares para makatira dito. Pinapurihan ito ni Huang Falei, isang naninirahang magsasaka taga-Shandong sa pagsasabing:

"Ligtas dito. Hindi kasingginhawa ang panirahan sa labas at mas mahal pa ang upa."

Sa loob ng Yong Sheng Community, bukod sa mahalamang parke, matatagpuan din ang kainan, tindahan, Klinik, ATM, aklatan, sentrong panlibangan, internet bar, pasilidad para sa pag-eehersiyo at iba pa. nag-iimbita rin dito ng mga dalubhasa at abogado para makapagloob ng pagsasanay at legal aid sa mga naninirahang dayong manggagawa.

Bukod dito, nagsisikap din ang pamahalaan ng Shanghai para mapahusay ang social security sa mga magsasakang nagtatrabaho sa munisipalidad. Ayon sa pinakahuling datos, hanggang sa katapusan ng nagdaang Setyembre, 80% ng mga dayong manggagawa sa Shanghai ang napapasailalim sa panlahat na seguro ng munisipalidad. Batay sa plano ng pamahalaang munisipal, aabot sa 90% ang nasabing proporsiyon sa taong 2010.