Dear Kuya Ramon,
Tuwing 7:30 ng gabi ako nakikinig sa inyong Balita at Usapusapan na sinusundan naman ng Cooking Show. Kung nami-miss ko ang oras na ito, sinusubok ko sa either 8:00 o 10:30 ng gabi.
Talagang pinaka-aabangan ko ang inyong Cooking Show dahil malaki ang pakinabang ko dito. Dito ko natutuhan ang mga pagkaing gustung-gustong kainin ng aking asawa at mga anak at ng aking biyenan, mga pinsan at mga kaibigan. Pag may mga kaibigan na naliligaw sa bahay kung tanghali o gabi, mabilis pa sa alas-kuwatro pag niyaya kong kumain lalo't ang niluto ko ay Chinese food. Siguro Chinese food ang isa sa the best na minana natin sa ating mga ninunong Chinese. Salamat sa programang Cooking Show at sa Chinese recipes.
Censiya na kung hindi ko kaagad nasasagot ang inyong text at sulat. Kung minsan talagang sagad-sagaran ang trabaho para kumita nang maganda. Pero kahit gaano ako ka-busy, hindi pa rin naman ako nawawalan ng panahon sa inyong mga programa.
Nagsisilbi ring inspirasyon sa akin yung tagapakinig na nagbukas ng Chinese restaurant matapos na matuto ng lutuing Tsino mula sa inyo. Sana dumating din sa akin ang gayong pagkakataon.
Sana lumaki pa ang inyong following at manatiling masigla ang inyong pagsasahimpapawid.
Fely Buencamino Norsagaray, Bulacan Philippines
|