Ang Dongpo-style pork ay isang Zhejiang delicacy. Ang Zhejiang ay lalawigan dito sa Tsina. Tulad din naman diyan sa Pilipinas, dito sa Tsina ang bawat lalawigan ay may ipinagmamalaking food specialty.
Mga sangkap 1500 gramo ng streaky pork (iyong maraming layer) 100 gramo ng scallions 100 gramo ng asukal 250 gramo ng shaoxing wine 50 gramo ng ginger block (dinikdik) 150 gramo ng soy sauce
Paraan ng pagluluto
Hugasan ang streaky pork, alisin ang taba pero huwag gagalawin ang balat at iba pang bahagi.
Hiwa-hiwain ang karne sa 10 kuwadrado o rektangular na piraso.
Pakuluin ang karne sa loob ng 5 minuto para pumuti. Ibuhos sa salaan tapos hugasan para maalis ang sebo.
Maglagay ng parilya sa loob ng palayok. Ikalat sa ibabaw ng parilya ang 50 gramo ng scallions at 50 gramo ng ginger block, bago ipatong ang karne nang nasa ibabaw ang balat. Lagyan ng asukal, alak, toyo at ilagay na rin ang nalalabing 50 gramo ng scallions. Takpan ang palayok. Pakuluin. Pagkulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 30 minuto. Ilagay ang karne sa pottery jar nang nasa ibabaw ang balat. Ilagay sa steamer at pausukan sa mataas na temperatura hanggang sa lumambot. Isilbi.
|