• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-05 19:32:54    
Laozi at kanyang tatlong prinsipyo sa diyetang pangkalusugan

CRI
Ang teorya ni Laozi hinggil sa diyetang pangkalusugan ay may tatlong pangunahing prinsipyo. Ang una'y kumain upang matugunan ang pangangailangan ng tiyan kaysa ng mga mata. Binubusog ng tao ang kanyang tiyan upang mabuhay, pero limitado ang tiyan at ang mga mata ay hindi. Ang pagnanasa sa anumang makitang masarap na pagkain ay magiging sanhi ng kanilang pagnanasa at katakawan. Ang pagkain nang alinsunod sa idinidikta ng mga mata ay nakasasama sa tiyan at sa kalusugan sa kalahatan.

Sinabi ni Laozi na yaong mga kumakain upang mabigyang kasiyahan ang tiyan ay naglalayong palusugin ang kanilang katawan, samantalang yaong kumakain nang ayon sa kanilang nakita ay tiyak na makapipinsala.

Ang ikalawang prinsipyo ay ang limang lasa (gourmet food) na pumipinsala sa panlasa. Sinabi ni Laozi na nakakasuya ang masasarap na pagkain kapag kinain nang sobra, at ang ibayong pagpapahalaga sa pagkain at malusog na katawan, ay nagmumula sa pagpapatuloy ng pang-araw-araw na balanseng pagkain ng simpleng pagkain.

Ang ikatlong prinsipyo ay ang "pagtikim ng mga walang lasa". Itinataguyod nito ang pagkain ng mga pagkaing hindi timplado, na gaya ng nakakaing halamang gamut at mga kalabasa. Ang mga ito'y may kanya-kanyang lasa na aakalain mong malapit ka sa kalikasan.

Ang kagila ay ang paham na Tsinong ito, na pinagdedebatehan pa rin ang pananatili nito, ay may gayong impluwensiya pa rin at ang kanyang palagay hinggil sa sangkalibutan ay nagbigay ng gayong perfect sense. Ang pagsilang, paglaki, paghina, pagkamatay at pagbabago ay parang obvious cycle ng mga bagay na nakapagbibigay liwanag gayun din ng organic being. Ang ugali ng pagsasaalabg-alang na mas mabuti ang buo ay tiyak na makapipinsala sa kasiyahan ng loob.

Ang balanseng pagkain ay tiyak na magdudulot ng kabutihan, sapagkat iniiwasan nito ang di-mabuting after effect at ang masyadong malasang pagkain. Gayunman, sa kabila ng unibersal na pagkilala ngayon sa katalinuhan ni Laozi, ang pagnanasa ng madaliang pagbibigay kasiyahan sa sarili ay kasing laganap at kapareho ngayon ng sa may dalawa't kalahating libong taon na ang nakaraan.