Narito ang kuwento hinggil sa pamumuhay sa lalawigang Qinghai ng Tsina ni pamilya ni Bauwer Braun mula sa Alemanya.
Si Bauwer Brown, isang Aleman, ay pumunta sa lunsod Xi'an ng Tsina nitong ilang taong nakalipas para sa pag-aaral sa wikang Tsino. Sa panahong iyon, napag-alaman niyang ang lalawigang Qinghai sa dakong hilagang kanluran ng Tsina ay sagana sa yaman at espesyal ang kalagayan nito, bagay na nakakaakit kay Braun. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Xi'an, nagsadya si Braun sa Qinghai, at nabighani nito.
"Sa ganang akin, ang Qinghai ay isang lugar na nakakakita ng pakikisalamuha ng mga kultural ng iba't ibang grupong etniko. Namumuhay dito ang Han, Hui, Zang at iba pang nasyonalidad. Intersadong intersado ako dito."
Pagkaraan ng ilang panahon ng pamumuhay doon, natuklasan ni Braun na nagtatampok ang Qinghai, isa sa 5 pinakamalaking rehiyon ng pastol ng Tsina, sa maraming yak. Ang mga yak ay tinawag ng "bapor sa rehiyon ng niyebe", namumuhay ang mga ito sa Talampas ng Qinghai-Tibet. Nanginginain ang mga ito ng damong natural na malaya sa anumang polisyon.
Dahil dito, katangi-tangi ang gatas ng mga ito at hindi naihahambing ng gatas ng karaniwang baka. Ang kanyang pagkatuklas na ito ay nakapukaw ng isang ideya ni Braun: itatag ang isang pagawaan ng keso na gamit ang gatas ng yak.
Sinabi ni Braun na masyadong mahirap ang gawain sa pagsisimula ng kanyang plano, ngunit, maraming katig at tulong ang nakuha niya mula sa mga lokal na mamamayan. Noong katapusan ng nakaraang taon, sa ilalim ng pagtutulungan ng iba't ibang panig, naitayo na ang kanyang pagawaan ng keso sa bayang Ze Ku sa prepekturang autonomo ng nasyonalidad Tibetano sa dakong silangan ng Qinghai.
"Nakatagpo ako ng maraming kahirapan nang simulan kung tupdin ang aking plano sa pagtatatag ng pagawaan. Salamat sa mapagkaibigang pakikitungo ng mga mamamayan sa lokalidad, sa kanilang pagtutulong, namamaster ko at mga kasamahan ko ang paraan ng pagawaan ng keso, at umaasang makapoprodyuse kami ng bagong uri na keso sa susunod na taon."
|