Sa ika-13 summit ng ASEAN na idinaos noong isang linggo sa Singapore, magkasamang nilagdaan ang "ASEAN Charter" ng mga lider ng 10 kasaping bansa ng ASEAN. Bilang kauna-unahang dokumentong may unibersal na binding force ng batas sa iba't ibang kasaping bansa nitong 40 na taon sapul nang itatag ang ASEAN, malawak na pinapansin ang "ASEAN Charter" ng mga bansang ASEAN, ibang bansa ng Asya at buong daigdig.
Anong epekto at katuturan ng charter sa pagpapabuti ng mekanismong panloob ng ASEAN, proseso ng integrasyon at pagsasagawa ng kooperasyon nito sa labas? Hinggil sa naturang isyu, kinapanayam ng aming reporter si Nicholas T. Dammen, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Sinabi ni Nicholas na :
"Nitong 40 taong nakalipas, itinuturing ang ASEAN bilang isang panrehiyong organisasyong may medyong maluwag na panloob na mekanismo, pero magbibigay ang ASEAN Charter ng isang mabisang balangkas na pambatas sa ASEAN para maigarantiya na tanggapin at isagawa ng mga kasapi nito ang iba't ibang patakaran at kasunduan at mapataas ang episiyensiya ng operasyon ng panloob na mekanismo ng ASEAN. Bukod dito, ang Charter ay nakakabuti sa pagpapataas ng impluwensiya at papel ng ASEAN sa rehiyong ito at daigdig."
Kasabay nito, nilagdaan din ng mga lider ng 10 bansang ASEAN ang isa pang mahalagang dokumentong "ASEAN Economic Community Blueprint" at ang blueprint na ito ay hindi lamang magpapasulong ng pagsasawaga ng mga miyembro ng paglilikha ng monokulturang pamilihan at base ng produksyon para magkaroon ng isang rehiyong pangkabuhayang may kakayahang kompetetibo, kundi ipinakikita nito ang komong mithiin ng mga miyembro sa pagpapabalanse ng pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyon at pagpapaliit ng agwat sa pag-unlad.
Nang mabanggit ang proseso ng integrasyon at pagtatatag ng komunidad ng ASEAN, ipinahayag ni Nicholas na :
"Ang komunidad ng ASEAN ay bubuuin ng pangkabuhayang komunidad, panseguridad na komunidad at panlipunan at kultural na komunidad ng ASEAN at ang pagsasakatuparan ng target na ito ay paaagahin sa 2015. "
|