• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-07 16:45:12    
Ang Agaw-Pansing Paper-Wrapped Chicken

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam ba Ninyo.

Kumusta na kayo Cooking Show fans?

Tulad din naman ng panauhin natin noong nakaraan, ang guest cook natin ngayong gabi ay natuto ng mga lutong Tsino sa sarili niya. Iyan ang tipikal na Pilipinong maybahay, nag-aaral magluto dahil gustong makitang maganang kumain ang pamilya.

Okay, huwag na tayong magpaliguy-ligoy. Sa pagkakita ko pa lang sa mga rekado, ginutom na ako. Narito ang ating guest cook at ang inihanda niyang Chinese recipe para sa atin.

Pasensiya na kayo. Nakalimutan kong banggitin ang pangalan ng ating panauhin. Siya si Girlie Dimensio ng A. Francisco, Sta. Ana, Manila.

Sabi ni Girlie, makikita natin dito sa Paper-Wrapped Chicken kung gaano ka-artistic ang mga Chinese sa paghahanda ng mga pagkain. Malaki aniya ang ginagampanang papel ng greaseproof paper sa ikagaganda sa paningin ng lutuing ito.

Alamin natin kay Girlie kung anu-ano ang mga kakailanganin sa pagluluto ng Paper-Wrapped Chicken.

Makinig kayong mabuti. Naritong muli ang mga

Sangkap:

1 sariwang manok na tumitimbang ng 1.5 kilo
3 kutsarita ng malabnaw na soy sauce (puwede rin daw itong gawing 3 kutsara)
2 kutsara ng Chinese rice wine (puwede rin daw itong gawing 3 kutsara)
1 kutsara ng ginger juice
2 kutsarita ng oyster sauce
Kalahating kutsarita ng monosodium glutamate o vetsin
Kalahating kutsarita ng asin
Kalahating kutsarita ng asukal
Kalahating kutsarita ng sesame oil
20 piraso ng greaseproof paper at Cooking oil

Ngayon dumako na tayo sa parteng pinakahihintay ninyong lahat--ang paraan ng pagluluto.

Thanks for your time, Girlie. Ito ang first time ni Girlie sa ating palatuntunan.

Okay, naritong muli ang paraan ng pagluluto:

Hiwain ang manok sa dalawampung piraso. Paghalu-haluin ang mga rekado tapos isama ang manok. I-marinate ang manok sa loob ng mga dalawang oras. Huwag kalilimutang haluin maya't maya.

Patuluin ang mga piraso ng manok pagkaraang i-marinate. Ibalot sa kuwadradong piraso ng greaseproof paper. Ilupi ang mga dulo at isiksik na parang sa flap ng envelope.

Mag-init ng mantika sa kawali tapos iprito nang pakaunti-kaunti ang mga binalot na manok sa loob lamang ng 5 minuto. Balibaligtarin habang ipiniprito.

Isilbi ang manok nang nakabalot pa sa papel. Hayaang iyong mga kakain ang magtanggal ng balot.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang liham ni Fely Buencamino ng Norsagaray, Bulacan--may oras pa tayo, eh. Sabi ng liham:

Dear Kuya Ramon,

Tuwing 7:30 ng gabi ako nakikinig sa inyong Balita at Usapusapan na sinusundan naman ng Cooking Show. Kung nami-miss ko ang oras na ito, sinusubok ko sa either 8:00 o 10:30 ng gabi.

Talagang pinaka-aabangan ko ang inyong Cooking Show dahil malaki ang pakinabang ko dito. Dito ko natutuhan ang mga pagkaing gustung-gustong kainin ng aking asawa at mga anak at ng aking biyenan, mga pinsan at mga kaibigan. Pag may mga kaibigan na naliligaw sa bahay kung tanghali o gabi, mabilis pa sa alas-kuwatro pag niyaya kong kumain lalo't ang niluto ko ay Chinese food. Siguro Chinese food ang isa sa the best na minana natin sa ating mga ninunong Chinese. Salamat sa programang Cooking Show at sa Chinese recipes.

Censiya na kung hindi ko kaagad nasasagot ang inyong text at sulat. Kung minsan talagang sagad-sagaran ang trabaho para kumita nang maganda. Pero kahit gaano ako ka-busy, hindi pa rin naman ako nawawalan ng panahon sa inyong mga programa.

Nagsisilbi ring inspirasyon sa akin yung tagapakinig na nagbukas ng Chinese restaurant matapos na matuto ng lutuing Tsino mula sa inyo. Sana dumating din sa akin ang gayong pagkakataon.

Sana lumaki pa ang inyong following at manatiling masigla ang inyong pagsasahimpapawid.

Fely Buencamino
Norsagaray, Bulacan
Philippines

Thank you so much, Fely, sa iyong liham.

Tunghayan naman natin ang email mula sa Bacolod, Ang nagpadala ay si May Ilagan. Sabi ng mensahe: "Kuya Ramon, hindi na kasing-dalas noong dati ang inyong Cooking Show. Sana magbalik ito sa dating slot. Magandang pakinggan ang ganitong program kasi very light, entertaining at talagang nakaka-relax at at the same time natututo ako ng Chinese recipes. Marami na rin akong natutuhan sa inyong previous shows. Kahit once a month sana i-broadcast ninyo ang program na ito. Thank you and regards to everybody."

May Ilagan
Lopez Sugar
Bacolod City, Phils.

Thank you rin, May, sa pagpapahalaga mo sa aming Cooking Show at maraming salamat din sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.