• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-07 16:45:46    
Mga manlalarong Tsino, aktibong naghahanda sa Beijing Olympic Games

CRI
Wala pa 9 na buwan hanggang sa pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Para makuha ang magandang resulta sa Olympiadang idinaos sa lupang-tinubuan, aktibong nagsasanay ngayon ang mga manlalarong Tsino.

Inilahad kamakailan dito sa Beijing sa mass media ng mga opisiyal ng Pambansang Kawanihan ng Palakasan ng Tsina ang kalagayan ng mga manlalarong Tsino hinggil sa paghahanda para sa Beijing Olympic Games. Ipinahayag ni Cui Dalin, pangalawang puno ng nasabing kawanihan na pumasok na sa masusing yugto ang paghahanda para sa Olympic Games ng mga manlalarong Tsino.

Natapos na sa kabuuan ang mga mahalagang paligsahan ng iba't ibang events at magkakasunod na pumasok sa pinakahuling panahon ng pagsasanay sa taglamig bago ang Beijing Olympic Games. Mga 1300 manlalarong galing sa 55 koponan ang nagsasanay ngayon sa iba't ibang lugar ng Tsina. Hanggang sa kasalukuyan, 514 na manlalarong Tsino ang kuwalipikado sa 26 na events ng Beijing Olympic Games.

Sinabi ni Cui na ayon sa agenda ng mga paligsahang para sa kuwalipikasyon ng mga event ng Beijing Olympic Games, magsisikap pa rin ang mga manlalarong Tsino para makapasa sa kuwalipikasyon. Sinabi niya na:

"Tinataya naming mga 550 hanggang 570 manlalarong Tsino ang lalahok sa Beijing Olympic Games at itong Olympiadang ito ay makakakita ng pinakaraming kalahok at pinakamaraming kasangkot na events sa kasaysayan ng Tsina sa paglahok sa Olympiada."

Kaugnay ng prospekt ng Tsina sa Beijing Olympic Games, ginawang napakaingat na pagtasa ng mga may kinalamang tauhan ng sirkulong pampalakasan ng Tsina. Ipinalalagay ni Cui na sa panahon ng Beijing Olympic Games, datapuwa't maglalaro sa lupang-tinubuan ang mga manlalarong Tsino, kahaharapin pa rin nila ang mga maigting na hamon para pagkamit ng magandang resulta.