• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-10 10:34:49    
Zhang Zhengxiang, tagapag-alaga sa Lawa ng Dianchi

CRI

Si Zhang Zhengxiang ay isang magsasaka sa lalawigang Yunnan ng Tsina, nitong nakalipas na mahigit 20 taon, kusang-loob na pinangangalagaan niya ang Dianchi, isang lawa sa talampas, at naging isa siyang dalubhasang pansibilyan sa pangangalaga sa kapaligiran. At, higit pa, humihikayat pa siya sa kanyang kapwa taganayon sa pakisangkot sa proteksyon sa kapaligiran.

Nakatira si Zhang Zhengxiang sa isang nayong katabi ng lawa ng Dianchi. Ang Dianchi ay ika-6 na pinakamalaking tabang lawa sa Tsina at ang mahigit 300 kilometro-kuwadradong lawang ito ay binansagang "perlas sa talampas".

Ang Dianchi ay hindi lamang isang kilalang marikit na pasyalan, kundi kabatayan ng lokal na agrikultura at pangingisda. Ngunit mula noong katapusan ng ika-7 dekada ng ika-20 siglo, nadumihan ang tubig nito, noong ika-9 na dekada, grabeng sinira ng polusyon ang kapaligiran ekolohikal nito at nasa bingit na ng pagkawala ang mga isda. Ikinalungkot ang mga ito ni Zhang. Noong 1980, kumilos siya sa pangangalaga sa Dianchi.

"Nangangalaga ako hindi lamang sa tubig ng Dianchi, kundi sa pinag-uugatan ng polusyon nito."

Gumugol si Zhang ng maraming panahon sa mga paraan sa pangangalaga sa Dianchi at pagbabalik ng dating kondisyon nito. Ang kanyang simpleng bahay ay siniksikan ng mga libro, blueprint at pahayagang may kinalaman sa pangangalaga sa Dianchi. Ang pag-aaral niya sa mga aklat ay nagsisilbing pundasyon lamang, ang mas maraming panahon ay ginugugol niya sa paglalakbay-suri sa mga bundok at lawa para mapigil ang mga aksyong nakakapinsala sa Dianchi at paghuhukay ng mina sa bundok ng Xishan.