• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-10 10:35:30    
Disyembre ika-3 hanggang ika-9

CRI
Mula Miyerkules hanggang Biyernes ng kasalukuyang linggo, idaraos sa Beijing ang ika-2 pagsasangguniang ministeryal at ika-5 pulong ng mga mataas na opisyal hinggil sa pagtutulungan ng Mekong Sub-region sa pakikibaka sa pagdukot. Ito ay itinaguyod ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina. Noong 1998, magkakasamang itinatag ng mga may kinalamang organo ng UN ang "proyekto sa pagitan ng mga organo ng UN hinggil sa pagtutulungan ng Mekong Sub-region sa pakikibaka sa pagdukot" na nilahukan ng anim na bansang kinabibilangan ng Cambodia, Tsina, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam. Ang pagsasagawa ng proyektong ito ay nakakapagpatingkad ng positibong papel para sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng anim na bansa sa pagpigil at pakikibaka sa krimeng transnasyonal ng pagdukot at sa pagligtas ng mga biktima. Ang tema ng naturang pulong ay "pagpapalakas ng pagtutulungan at pagpapabilis ng proseso".

Kinatagpo noong Lunes ng umaga sa Kuala Lumpur ang delegasyon ng lupon ng Pambansang Kongresong Bayan, NPC ng Tsina sa mga suliraning panlabas na pinamumunuan ng direktor nito na si Jiang Enzhu ni Ramli Ngah Talib, ispiker ng mababang kapulungan ng Malaysiya. Sinabi ni Ramli, umaasa siyang ibayo pang palalakasin ang pangkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng mga parliamento ng dalawang bansa para makapagbigay ng bagong ambag sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at Malaysiya. Binigyan-diin pa niya na iisa lamang ang Tsina sa daigdig at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryong Tsino. Anya, buong tatag na iginigiit, tulad ng dati, ng parliamento at pamahalaan ng Malaysiya ang patakarang isang Tsina. Sinabi naman ni Jiang na madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang bansa at walang humpay na humihigpit ang pagtitiwalaang pampulitika. Umaasa siyang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para itakda sa lalong madaling panahon ang plano ng magkasamang aksyon ng estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa. Pinasalamatan pa ni Jiang ang parliamento at pamahalaan ng Malaysiya na igiit ang patakarang isang Tsina.

Tinukoy noong Lunes sa Kuala Lumpur ni Abdullah Ahmad Badawi, Punong Ministro ng Malaysia, na nagpalakas ng ASEAN ang mekanismong pangkooperasyon ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3". Sa kanyang talumpati sa ika-5 East Asian Congress na idinaos nang araw ring iyon sa Kuala Lumpur, sinabi ni Badawi na ang proseso ng "10+3" ay hindi kooperasyon lamang, kundi may kinalaman din sa konstruksyon ng komunidad ng Silangang Asya sa hinaharap at ito ay magiging pangunahing puwersang magpapasulong ng konstruksyon ng komunidad na ito sa hinaharap. Binigyang-diin din niyang malawak ang saklaw ng Silangang Asya, nagkakaiba ang lipunan, kultura at iba pang aspekto, kaya kinakailangan ang mahabang panahon para sa konstruksyon ng komunidad ng Silangan Asya. Dumalo sa naturang pulong ang mahigit 200 dalubhasa, iskolar at kinatawan mula sa Silangang Asya.

Hanggang noong katapusan ng nagdaang buwan, itinatag na ng Yunnan, isang lalawigan sa dakong timog ng Tsina, ang 95 bahay-kalakal sa mga bansang ASEAN, at ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ay lumampas sa 300 milyong dolyares. Noong isang taon, umabot sa halos 2.2 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng pag-aangkat at pagluluwas ng Yunnan sa mga bansang ASEAN.

Ipinahayag noong Martes sa Kunming ng namamahalang tauhan ng Yunnan Power Grid Corporation na sapul nang ihatid ng kompanyang ito ang koryente sa power grid ng Biyetnam noong Setyembre ng 2004, walang humpay na lumalaki ang natamong kita at lalampas sa kauna-unahang pagkakataon sa 100 milyong dolyares ang kita sa taong ito. Taun-taong tumataas din ang bolyum ng inihatid na koryente ng Yunnan sa Biyetnam. Hanggang noong katapusan ng Nobyembre ng kasalukuyang taon, ang bolyum ng koryente na inihatid ng Yunnan sa Biyetnam ay umabot sa 2320 bilyong kilowatt-hour. Ayon sa pagtaya, hanggang katapusan ng 2007, ang bolyum na ito ay aabot sa 3637 milyong kilowatt-hour. Patuloy na lumalawak ang saklaw ng paghahatid ng koryente ng Lalawigang Yunnan sa purok-hanggahan ng timog kanlurang Tsina sa dakong Hilaga ng Biyetnam, at ito ay nagpapakitang natamo na ang bunga ng kooperayong pangkabuhayan ng Greater Mekong Sub-Region sa kalakalan ng koryente.