Bukod dito, ang pagpapaunlad ng pandiyalogong partnership at pagpapalitan at kooperasyon sa labas ay iba pang mahalagang nilalaman sa Charter. Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng walang tigil na pag-unlad ng mekanismong pangkooperasyon ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea o 10+3 at ASEAN at Tsina o 10+1, gumaganap ang ASEAN ng pahalaga nang pahalagang namumunong papel sa kooperasyon ng Silangang Asya at naging na isang sentro ng iba't ibang bilateral na Free Trade Agreement o FTA sa Silangang Asya.
Ipinahayag ni Nicholas na pinapansin ng ASEAN ang proseso ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng ASEAN at Tsina at ikinasisiya nito ang paglagda at pagsasagawa ng isang serye ng FTA. Sinabi niyang:
"Ang Tsina ay isang malaking ekonomy at isang mahalagang partner ng kooperasyong pangkabuhayan ng ASEAN. Ang kauna-unahang FTA ng ASEAN ay 'Kasunduang Pangkalakalan ng Paninda' na nilagdaan nila ng Tsina noong 2004, pagkaraan nito, nilagdaan naman ng 2 panig ang 'Kasunduang Pangkalakalan ng Serbisyo'. Sa kasalukuyan, nagsisikap ang 2 panig para lagdaan ang isa pang mahalagang FTA--'Kasunduang Pangkalakalan ng Pamumuhunan' at tinatayang mararating ito sa 2008. Nananalig akong ang paglagda ng naturang 3 mahalagang FTA ay gaganap ng malaking papel ng pagpapasulong sa pagtatatag ng bilateral na malayang sonang pangkalakalan sa 2010. "
Nang mabanggit ang mapayapang pag-unlad ng Tsina, ipinahayag ni Nicholas na ang pag-unlad ng Tsina ay magbibigay ng mas malaking pagkakataon sa ASEAN, dahil mas maraming mangangalakal ng Tsina ang namumuhunan sa mga bansang ASEAN at naghanda ang Tsina ng mas malawak na pamilihan para sa ASEAN. Sinabi niyang:
"Ibayo pang magpapabuti ang mga bansang ASEAN ng imprastruktura, lilikha ng mas magandang kapaligiran ng pamumuhunan para umakit sa mas maraming mangangalakal ng Tsina na mamuhunan dito."
|