Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2007.
Hindi maitatago ng mga tagapakinig ang kanilang paghanga sa ginagawang paghahanda ng Beijing para sa 2008 Beijing Olympics na gaganapin mula ika-8 hanggang ika-24 ng Agosto ng papasok na taon. Sabi nila, alam nilang hindi madaling maghanda para sa isang pandaigdigang palarong tulad ng Olimpiyada, pero sa nagdaang anim na taon, sapul nang mabuo ang Organizing Committee, malayo na rin ang narating ng Beijing para maisalugar ang lahat ng mga kinakailangang bagay-bagay at hindi maglalaon at maabot ng host city ang target nitong Olimpiyadang "may espesyal na katangian at mataas na antas."
Sabi ng call center agent na si Pomett Ann ng Manila at Singapore, hinahangaan niya ang mabilis na pagtatayo ng mga lugar na pagdarausan ng mga palaro. Ang bilang aniya ng mga ito ay lumampas sa ekspektasyon ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa at sa tingin niya, ito ang pinakamalaking bilang ng venues sa kasaysayan ng Olympics. Umaasa aniya siyang makita ang isang Olimpiyada na may makasaysayang- kabuluhang venues at environment friendly.
Hinahangaan naman ni super DJ Happy ang pagiging masinop ng mga may kinalamang panig sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa Olimpiyada. Sabi niya, bago nila simulan ang konstruksiyon, tiniyak muna nila na magagamit sa ibang layunin ang mga itatayong impraistruktura pagkatapos ng palaro at hindi kailangang baklasin o iwanang nakatiwangwang pagkatapos ng Olympics. Umaasa aniya siya na magagamit ang mga pasilidad sa layuning pangkultura, pang-edukasyon, at pang-komersiyo.
Ayon naman kay Minda Gertos, stenographer ng Manila at Cebu City, ginagawa ng Beijing ang lahat para matiyak ang seguridad
ng mga manlalaro at bisita sa pagdaraos ng Olimpiyada at ganundin ang malinis na hangin na ipinakikita ng bumababang pollution index ng Beijing. Kung iri-rate niya aniya ang trabaho ng Organizing Committee sa area na ito, sa rate na one to ten, ten ang ibibigay niya.
Sabi nina Pomett, Minda at Happy, kung meron man silang Christmas at New Year's wish, ito ay ang maalwan at matagumpay na 2008 Beijing Olympic Games.
Maraming salamat sa inyo.
Ngayon, tunghayan naman natin ang mga mensahe ng ating textmates.
Mula sa 915 807 5859: "Kuyang, libreng tiket naman para sa 2008 Beijing Olympics."
Mula naman sa 917 401 3194: "Excited na ako para sa grand opening ng summer Olympics in Beijing."
At mula naman sa 0041 787 882 084: "Kelan ko makikita at maririnig ang sites and sounds ng Beijing Olympics?"
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang liham ni Manuela Bornhauser ng Gachnang Switzerland. Sabi ng kaniyang sulat:
Dear Kuya Ramon,
Advance Merry Christmas sa iyo at sa iba pang bumubuo ng Serbisyo Filipino.
Ang sagot ko sa inyong question no. 1 ay may katangian at mataas na lebel na Olimpiyada, at ang sagot ko naman sa question no. 2 ay August 8 to August 24, 2008.
Isa sa mga ambitious plans ko para sa next year ay magpunta sa Beijing at manood ng Olympic Games. Nakita ko na ang Bird's Nest sa litrato at gusto ko itong makita nang personal. Gusto ko ring makita ang athlete's villages na nasa iba't ibang area ng Beijing at iyong sinasabi nilang Olympic venues na maganda ang pagkakagawa. Gusto ko ring makita ang performance ng mga atletang Pilipino at mga batikang atletang Chinese.
Naalala ko na maraming tagapakinig ang nagre-request na mag-hold kayo ng quiz tungkol sa Olympics. Ngayon, meron na. Parang answered prayer, ano?
Patuloy kong susundan ang inyong knowledge quiz at hintayin ninyo ang mga iba ko pang sagot.
Merry Christmas uli.
Manuela Bornhauser Muliberg, Gachnang Switzerland
Thank you so much, Manuela, sa iyong liham at malasakit sa aming serbisyo. Merry Christmas din sa iyo.
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon jr. na bumabati ng Maligayang Pasko at nagpapaalala pa ring ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|