Sa Lunsod Wen Chang ng lalawigang Hainan ng Tsina, may isang bantog na Ming Renshan Birds Natural Reserve Area. Ito ay kauna-unahang Natural reserve area ng ibon na itinatag ng pribadong pondo. Sa artikulong ito, isasalaysay ang kuwento ukol sa tagapagtatag nitong si Xing Yiqian at kung papaanong binago niya ang nasirang lupa na naging paraiso ng mga tagak.
Hinggil sa orhinal layunin ng pagtatatag ng nabanggit na sona, sinabi ni Xing Yiqian na:
"Dati, sinabi ko na kung magiging mayaman ako sa hinaharap, buong sikap kong babaguhin ang lupang tinubuan ko na maging mas maganda. Binago ng naturang salita ang buong pamumuhay ko at mula noo'y tumahak na ako sa landas ng pangangalaga sa kapaligiran."
Ang 51 taong gulang na si Xing Yiqian ay taganayon ng Lunsod Wen Chang ng Hainan. Bata pa siya'y luminsan na siya ng lupang tinubuan patungong malaking lunsod para maghanap-buhay. Namasukan siya minsan bilang kargador, nagtinda ng mga pang-araw-araw na gamit, at nagpatakbo ng pagawaan ng damit. Naipon ang takdang kapital. Noong unang dako ng ika-90 dekada ng ika-20 siglo, namuhunan siya sa real estate at naging multi-milyonaryo dahil sa pag-unlad ng kabuhayan ng Hainan.
Ngunit, nang bumalik siya sa lupang tinubuan, malaki ang ipinagbabago doon. Pabakasakaling pimuputol ang mga puno, lubak-lubak ang mga daan at nawala na ang mga ibon. Ikinalungkot ito ni Xing. Upang ibalik ang dating marikit na hitsura ng kanyang lupang tinubuan, nag-aplay siya sa pamahalaan na itatag ang Birds Natural reserve area sa tiwangwang isla sa palibot ng Bailuhu o lawa ng tagak.
Bumili muna siya ng maraming puno at itinanim sa isla at bumili pa ng mga ibon para paliparain. Nag-empleyo pa siya ng mga tanod para magpatrolya nang magdamag sa kakahuyan.
Pagkatapos ng ilang taon pagpapakahirap niya, namumbalik na ang dating magandang tanawin: berde ang lupa, nagliliparan sa bughaw na langit ang kawan ng tagak at iba mga ibon. Ang marilag na tanawin ay nakakaakit ng maraming tao sa loob at labas ng nayon. Ang lawa ng tagak ay muling naging paraiso ng mga ibon.
|