• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-17 21:19:43    
Urbanisasyon ng Tsina

CRI
Sa nakaraang 20 taon, palagiang napanatili ng Tsina ang may kabilisang urbanisasyon at patuloy na lumiliit ang agwat nito sa mga maunlad na bansa. Tinukoy ng mga may kinalamang eksperto na magiging mas mabilis ang takbo ng urbanisasyon ng Tsina sa ika-21 siglo.

Ang urbanisasyon ay proseso ng pagpapalawak ng industriyang di-agrikultural at pagpapaliit ng populasyon sa kanayunan. Ang Tsina ay isang malaking bansang agrikultural. Simula noong katapusan ng ika-7 dekada ng nakaraang siglo, isinasagawa na ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas at bunga nito'y mabilis ang naging pag-unlad ng kabuhayan ng bansa. Kasabay nito, umaakit ang mga lunsod at bayan ng mas maraming magsasaka sa paligid nito para magtrabaho dito at sa kalauna'y naging taga-lunsod na rin ang mga ito. Nang mabanggit ang hinggil sa populasyon ng mga lunsod at bayan ng bansa, sinabi ni Fu Conglan, reserch fellow ng sentro ng pananaliksik sa lunsod at kaunlaran sa ilalim ng Akademiya ng Siyensiyang Panlipunan ng Tsina,

"Ang populasyon ng mga lunsod ng Tsina ay mga sangkapito ng buong populasyon ng mga lunsod ng daigdig. Mula noong 1978 nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubulas sa labas, hanggang sa ngayon, ang paglaki ng urbanisasyon ng Tsina taun-taon ay 0.62% na doble ng sa paglaki nito sa daigdig. Patuloy na lumalaki ang malalaki at labis na malalaking lunsod ng Tsina at mabilis din ang naging pag-unlad ng mga may katamtamang laking lunsod at ang diin ng pag-unlad ng mga maliliit na lunsod at bayan ay ang pagpapaunlad ng kabuhayang pangkanayunan at pagtatayo ng sentrong kultural."

Napag-alamang kapag umabot sa 30% ang pamantayan ng urbanisasyon ng isang bansa at rehiyon, ang urbanisasyon nito ay pumasok na sa isang panahon ng mabilis na pag-unlad. Hanggang sa katapusan ng taong 2001, ang pamantayan ng urbanisasyon ng Tsina ay umabot na sa 37.7%. Sa nakaraang 20 taon, nailipat ng Tsina sa mga lunsod bawat taon ang halos 10 milyong magsasaka mula sa kanayunan.