Ang alak ay dating isang pangunahing feature ng mga sinaunang ceremonial rites sa Tsina. Hinggil sa kaugalian ng pag-inom ng alak, itinuturing ng mga Tsino na nakakabuti sa kalusugan ang pag-inom ng katam-tamang alak. May tradisyong ibinabalad ang tradisyonal na medisinang Tsino sa alak upang magkamit ng mas mabuting epekto, at napatunayan na ang tagumpay niyon sa aspektong ito. Ang alak ay itinuturing ding remedyo para hindi ginawin sa loob ng ilang libong taon.
Noong panahong imperyal, ang alak ay may tuwirang koneksyon sa militar, sapagkat pinaniniwalaang ang isang patak ng alak ay nakapag-papalakas ng loob, nakapagbibigay sigla sa mga nahahapo at nakapag-papataas ng moral ng hukbo.
Ang alak ay nakapagbibigay pa ng higit na impact sa mga artistang Tsino, sapagkat maraming nakagagawa ng kanilang pinakamabuting katha habang nasa ilalim sila ng impluwensiya ng alak. Maraming kilalang makata na gaya nina Li Bai at Du Fu, ang nakagawa ng kanilang pinakamabuting katha matapos uminom ng ilang kopita ng alak. Ganito rin ang kaso ng mga magagaling na pintor at calligraphyer.
Habang lasing, tinapos ng kilalang calligrapher na si Wang Xizhi, kilalang Santo ng Kalegrapiya ang kanyang pinakanamumukod na likhang Lantingxu (Orchid Pavilion Prologue). Nang hindi na siya lasing, ilang beses niyang tinangkang pabutihin ang kathang ito na isinagawa habang umiinom ng alak, pero nabigo siya. Ang tablet na may nakasulat na Lantingxu ay may lugar ng karangalan sa Orchid Pavilion malapit sa Shaoxing City, lalawigang Zhejiang, na itinuturing na isang sagradong lugar ng mga Chinese calligrapher.
Ang isa sa pinakapopular na entertainment sa pavilion echoes na kinagigiliwan ng mga dating makata at calligrapher-ay ang "lumulutang na tasa". Ang mga manlalaro ay nakaupo sa magkabilang pampang ng isang makitid na sapa na kung saan ang mga tasa ay nakalagay at nakalutang kaalinsabay ng daloy. Kapag tumigil ang tasa sa harapan ninumang nasa pampang, kailangang inumin niya ang alak at tumula.
Noong unang panahon, ang makata ay inaasahang lilikha ng tula noon din at kumukuha ng kanilang insirasyon mula sa alak. Kaya ang kilala sa daigdig na Shaoxing rice wine ay siyang buhal ng maraming dakilang likhang sining.
Mayroon ding ibang hindi masyadong pinong drinking games o jiuling.
Mayroon nang jiuling moon pang Western Zhou Dynasty (1046-771 BC). Nilalayon niyang maipagbawal ang pag-inom ng alak at matiyak ang pagtalima sa mga alituntunin ng etika. Mayroon at mayroon pang maraming porma ng juiling upang matugunan ang lahat ng lasang panlipunan at panliteraryo. Nahahati ito sa tatlong malawak na kategoryag pangkalahatan, kompetatibo at literaryo.
|