• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-18 21:52:09    
Disyembre ika-10 hanggang ika-16

CRI

Idinaos noong Biyernes dito sa Beijing ang ika-2 pulong na ministeryal ng Greater Mekong Sub-Region o GMS hinggil sa kooperasyon ng pakikibaka sa human smuggling. Nilagdaan ng mga kalahok na opisyal ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam ang magkasanib na deklarasyon ng GMS hinggil sa proseso ng kooperasyon sa pakikibaka sa human smuggling. Inulit sa deklarasyon ang mga prinsipyo at diwa sa memorandum of understanding ng GMS hinggil sa kooperasyon sa pakikibaka sa human smuggling. Ipinahayag sa pulong ni Meng Jianzhu, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina na sa susunod na hakbang, batay sa target na itinakda sa plano ng aksyon ng GMS, ibayo pang palalakasin ng pamahalaang Tsino ang mga gawain ng pakikibaka sa human smuggling at walang humpay na magsisikap para mapawi at mabawasan ang krimen ng human smuggling.

Nauna rito, ipinahayag noong Miyerkules sa Beijing ni Zhang Xinfeng, Pangalawang Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina na ibayo pang palalakasin ng kanyang bansa ang kooperasyon nila ng mga bansa sa Greater Mekong Sub-Region, GMS sa pakikibaka sa human smuggling at pagbibigay-dagok sa krimen ng pagpupuslit. Winika ito ni Zhang sa ika-5 pulong ng mga mataas na opisyal ng GMS hinggil sa kooperasyon ng pakikibaka sa human smuggling. Ipinahayag ni Zhang na mahirap ang tungkulin ng pakikibaka sa human smuggling. Nakahanda ang pamahalaang Tsino na magsikap kasama ng iba't ibang panig, para makapagbigay ng karapat-dapat na ambag para sa pagpapasulong ng proseso ng pakikibaka sa human smuggling. Dumalo sa pulong ang delegasyong pampamahalaan mula sa Kambodya, Tsina, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam.

Ipinahayag noong Biyernes sa Beijing ni Zhou Yongkang, pirmihang kagawad ng pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na ang pagbibigay-dagok sa human smuggling ay komong tungkulin ng komunidad ng daigdig. Winika ito ni Zhou sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kalahok na ministro ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam at mga opisyal ng UN sa ika-2 pulong na ministeryal ng Greater Mekong Sub-Region, GMS hinggil sa kooperasyon laban sa human smuggling. Ipinahayag niyang ang nilagdaang magkasanib na deklarasyon sa pulong ay magdudulot ng pangmalayuang epekto sa kooperasyon ng GMS laban sa human smuggling sa loob ng isang yugto sa hinaharap. Binigyang-diin din ni Zhou na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba't ibang bansa para maging mas pragmatiko at epektibo ang kooperasyon laban sa human smuggling.