Mga Sangkap
50 gramo ng karne tupa 200 gramo ng winter melon 20 gramo ng coriander 5 gramo ng asin 2 gramo ng yetsin 1 gramo ng paminta 10 gramo ng Shaoxing wine Kaunting sesame oil
Paraan ng Pagluluto
Hiwa-hiwain ang karne ng tupa pagkaraang hugasan. Talupan ang winter melon tapos alisin ang mga buto, hugasan at hiwain. Hugasan ang coriander at tadtarin.
Magpakulo ng 750 gramo ng tubig sa kawali, tapos ihulog ang mga hiniwang winter melon at karne ng tupa. Lagyan ng asin, vetsin at Shaoxing wine, pagkuluin. Tanggalin ang nakalutang na latak sa likido. Bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 3 minuto. Lagyan ng sesame oil at paminta. Tapos isalin sa mangkok. Ibudbod and tinadtad na coriander.
|