Papalapit na sa katapusan ng taong ito at kung sasariwain ang kabuhayan ng Tsina, masasabing matagumpay ito: nananatiling matatag at mabilis ang paglaki noong unang 3 kuwarter, maliwanag na tumaas ang kita ng mga mamamayan ng lunsod at nayon at may natamong bagong tagumpay sa pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas sa pagbuga. Ang naturang mga bunga ay pinapansin ng komunidad ng daigdig.
Noong unang 3 kuwarter ng taong ito, lumampas sa 1600 bilyong yuan RMB ang GDP at lumaki nang 11.5% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Hinahangaan ni Franz Jessen, Pangalawang Puno ng delegasyon ng EU sa Tsina ang mabilis na paglaki ng kabuhayan ng Tsina:
"Noong 2000, iniharap ng pamahalaang Tsino ang target na magdoble ang GDP sa susunod na 10 taon. Nananalig akong tiyak na maisasakatuparan ang iba't ibang target ng pamahalaang Tsino sa ika-11 panlimahang-taong plano."
Sa taong ito, medyo mabilis ang paglaki ng konsumo ng mga mamamayang Tsino, pero, hindi kasingganda nito ang paglaki ng pagluluwas at pamumuhunan. Noong unang 3 kuwarter ng taong ito, lumaki nang 0.6% lamang ang pagluluwas kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon at lumiit ang pamumuhunan.
Si Michael Jett ay president ng Fiberweb (China) Airlaid Company Limited, isang pinakamalaking bahay-kalakal sa mga kauri nitong bahay-kalakal sa daigdig. Sa kaniyang palagay, ang paglaki ng kita ng mga mamamayan at paglakas ng panlipunang seguridad ay mahalagang elemento para sa pagpapasulong ng konsumo.
"Ito ay nagpapakitang tumataas ang lebel ng pamumuhay at kita ng mga mamamayang Tsino."
|