• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-20 09:21:45    
Matagumpay na modelo ng kooperasyong Sino-ASEAN

CRI
Sa proseso ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Asean, ang mga bahay-kalakal na mula sa mga bansang Asean ay nakikipagkooperasyon sa mga bahay-kalakal ng Tsina at natatamo ang kapansin-pansing bunga.

Ang Dahai Oils & Grains (Fangchenggang Port) Co. Ltd na magkasamang itinatayo ng Wilmar Holdings ng Singapore at China National Cereals, Oils and Foodstuffs Corp (COFCO) sa Fangchenggang Port ng rehiyong autonomo ng Guangxi ng Tsina, ay isa sa mga ito.

Kasunod ng Kerry Oils & Grains Co. Ltd., Dahai Oils & Grains Co. Ltd ay ikalawang bahay-kalakal ng oils at grains na pinamumuhunan ng Wilmar Holdings sa Fangchenggang Port. Kilalang-kilala sa Tsina ang mga tatak ng edible oil na ini-poprodyuse ng Dahai Oils & Grains Co.Ltd na tulad ng Jinlongyu, Koufu, Hujihua at iba pa. Sa isang supermarket sa Beijing, sinabi ni Miss Yang, isang housewife, sa mamamahayag hinggil sa tatak ng edible oil na pinili niya:

"Pinili ko ang ilang kilalang tatak na tulad ng Jinlongyu, Fulinmen, Luhua, Hujihua, Koufu at iba pa."

Sa mga tatak na binanggit ni Yang, liban sa Fulinmen at Luhua, ang nalalabing tatak ay tatak ng mga joint venture sa Tsina ng Wilmar Holdings. Ang magandang reputasyon sa hanay ng mga mamimili ay nagpapakita ng tagumpay na natamo ng Wilmar Holdings sa Tsina. Sa kasalukuyan, napakasidhi ng kompetisyon sa pamilihan, ngunit, dahil sa matagumpay na estratehiya sa pamilihan, sinakop na ng Wilmar Holdings ang kalahati ng pamilihan ng edible oil ng Tsina.

Mula noong itinatag ang unang pagawaan sa Shenzhen noong 1989 hanggang sa kasalukuyan, ang Wilmar Holdings ay may mga 50 pagawaan sa iba't ibang lugar ng Tsina, at napakabilis ng paglaki ng saklaw ng pamumuhunan nito. Kasabay ng paglalim ng kooperasyon ng Tsina at Asean, nitong ilang taong nakalipas, sinimula nilang mamuhunan sa Guangxi, isang rehiyong autonomo ng Tsina na pinakamalapit sa mga bansang Asean.