• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-24 10:23:10    
Mga Timog Koreanong masayang namumuhay sa Qingdao

CRI

Kasabay ng mas maraming bahay-kalakal ng Timog Korea na namumuhunan sa Qingdao, lunsod ng lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, ang lunaod na ito ay naging pinakamalaking lunsod na pinaninirahan ng mga Timog Koreano sa Tsina. Sa kasalukuyan, ang mga kaibigang Timog Koreano ay masayang namumuhay at buong sikap na nagtatrabaho sa Tsina at naging silang isang bahaging di-maaaring wala sa pag-unlad ng kabuhayang lokal. 

Sa isang mababang paaralan sa Qingdao, ang karamihang estudyante nito ay galing sa mga pamiliyang Timog Koreano na nakatira sa lokalidad. Nang kapanayamin, magkakasunod na isinalaysay ng naturang mga batang Timog Koreano ang kani-kanilang masayang pamumuhay doon sa wikang Ingles o Tsino o Koreano at kaugnay ng kanilang damdamin ng pamumuhay doon, buong pagkakaisang sinabi nila na

"Maligayang-maligaya kami sa aming tahanan sa Tsina!"

Nitong ilang taong nakalipas, pumarito ang dumarami nang dumaraming Timog Koreano sa Qingdao para magtrabaho at mamuhay at hanggang sa kasalukuyan, halos 100 libong Timog Koreano ay perminenteng nakatira doon at ang Qingdao ay naging kanilang ikalawang lupang-tinubuan.

Namumuhay sa Qingdao ang 10 taong gulang na si Lee Sung Hoon kasama ng kaniyang mga magulang nang bata pa siya, mahusay siya sa wikang Koreano, Ingles at Tsino. Sinabi niya na

"Sinabi ng Nanay sa akin na 100 araw lamang nang isilang ako sa Timog Korea, bumalik na ang aking pamilya sa Qingdao at namumuhay ditto hanggang sa kasalukuyan. Gusto ko ang aking tahanan sa Tsina kasi iisang tahanan ito ditto sa Tsina para sa amin."

Maraming batang Timog Koreano ang katulad ni Lee sa Qingdao, andyan na sila sa Tsina nang napakaliit pa, karamihan sa kanila ang isinilang sa Tsina. Magkakaibigan sila ng mga batang Tsino. Ang kanilang mga laruan ay laruang Tsino, ang nanonood na mga cartoon ay Tsino rin. Para sa kanila ang Tsina ay walang iba, kundi kanilang lupang tinubuan.

Ayon sa estadistika, hanggang sa kasalukuyan, mahigit sa 10000 bahay-kalakal na pinapapatakbo ng Timog Korea sa Shandong at mahigit 6 libo ang sa Qingdao. Ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng naturang mga bahay-kalakal sa Shandong ay lumampas sa 20 bilyong dolyares na katumbas ng 57% ng kabuuang halaga ng pamumuhunan ng Timog Korea sa Tsina at ang Shandong ay naging pinakamalaking trade partner ng Timog Korea.