• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-24 10:23:50    
Disyembre ika-17 hanggang ika-23

CRI

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si Zhou Yongkang, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, kay Tung Thi Phong, dumalaw na kalihim ng sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista at pangalawang tagapangulo ng pambansang asembleya ng Biyetnam.

Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing si Wang Jiarui, Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, kay Tung Thi Phong, kalihim ng sekretaryat ng komite sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam at pangalawang tagapangulo ng asembleya ng Biyetnam. Sinabi ni Wang na ang ibayo pang pagpapalakas ng Tsina at Biyetnam ng iba't ibang porma ng pagpapalitan at pagpapatulungan ay mahalaga para sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag niyang nakahanda ang panig Tsino, kasama ng Biyetnam, na panatilihin ang mainam na tunguhin ng komprehensibong pag-unlad ng tradisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Tung Thi Phong na palagiang isinasagawa ng partido at pamahalaan ng Biyetnam ang mga patakarang pumapatnubay sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag noong isang linggo ng kinauukulang opisyal ng Huizhou, isang lunsod ng Lalawigang Guangdong sa timog Tsina, na umaasa ang Huizhou na mapapalakas ang kooperasyon nila ng iba't ibang bansa ng Timog Silangang Asya sa turismo at iba pang larangan. Ayon sa salaysay, lubos na sasamantalahin ng lunsod na ito ang impluwensiya ng mga malalaking bahay-kalakal at aktibong hahanapin ang tsanel ng kooperasyon at espasyo ng pag-aakit ng mangangalakal sa Timog Silangang Asya, lalong lalo na, umaasa itong hihiramin ang mga sulong na modelo at karanasan sa pangangasiwa ng Singapore at Thailand sa mga aspekto ng turismo, petrokemika at iba pa.

Idinaos mula noong Miyerkules hanggang noong Sabado sa Kunming, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang summit ng Tsina at ASEAN hinggil sa kooperasyon sa telebisyon. Ang pagdaraos ng summit na ito ay naglalayong palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng sirkulo ng telebisyon ng Tsina at mga bansang ASEAN at sa gayo'y pasusulungin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang panig. Sa tatlong araw na pulong, tinalakay ng mga namamahalang tauhan ng mga pangunahing TV station ng Tsina at sampung bansang ASEAN ang hinggil sa pagpapalitan ng palatuntunan, pagpapadala ng mamamahayag sa isa't isa at kooperasyon sa panahon ng Beijing Olympic Games at pinag-aralan ang kung papaanong itatatag ang pangmatalagang mekanismo ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga TV station.