Roxanne Rombawa ng San Juan, Metro Manila: Kuya Ramon, sana makapag-celebrate din kayo diyan ng mga kababayan natin ng Christmas kahit malayo kayo sa inyong mahal sa buhay. Maraming kababayan ang hindi nakakauwi sa panahon ng Kapaskuhan at alam ko na mahirap ito para sa kanila. Kaya, pagkatapos na makapag-long-distance call sa Pinas, magsama-sama na lang kayo at magdiwang para sa birthday ng Messiah.
Lilibeth ng Polytechnic University of the Philippines: Kuya Mon, Merry Christmas, Happy New Year at Best Wishes sa lahat ng bumubuo ng Serbisyo Filipino. Binabati ko in particular ang inyong mga announcers sa Balita, Usap-usapan, Paglalakbay, Kultura at iba pang programa. Siyempre, espesyal ang bati ko sa iyo. Salamat sa accommodation mo sa amin.
|