Ipinatalastas noong Miyerkules ng Philippine Airline na sa unang dako ng susunod na taon, bubuksan nito ang direktang linya mula Chongqing ng Tsina tungo sa Manila, sa gayo'y babaguhin ang kasalukuyang kalagayan na walang direktang linya sa pagitan ng dakong kanluran ng Tsina at Pilipinas. Sinabi ng isang kinauukulang tauhan na may malaking pagkakaiba ang marikit ng arkipelago ng Pilipinas at natural at kultural na tanawin sa dakong timog kanluran ng Tsina, at ang pagbubukas ng direktang linya ng dalawang lugar ay walang dudang magpapasulong ng industriya ng turismo ng dalawang panig.
Dinagdagan noong isang linggo ng Air China ang linya nito sa pagitan ng Beijing at Bangkok sa 2 flight bawat araw bilang tugon sa walang humpay na paglaki ng pangangailangan sa abiyasyon ng Tsina't Thailand.
Nilagdaan noong Lunes sa Bangkok ng embahador ng Tsina sa Thailand at ministro ng kultura ng Thailand ang kasunduan ng dalawang bansa hinggil sa pagtatatag ng sentrong pangkultura sa isa't isa. Ayon sa kasunduan, itatatag ng Tsina at Thailand sa isa't isa ang sentrong pangkultura para mapasulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangan ng kultura, sining, edukasyon, mass media, siyensiyang panlipunan at iba pa.
Itinatag noong isang linggo ng Lalawigang Yunnan ng Tsina ang sentro ng pananaliksik ng arkeolohiya sa timog-silangang Asya. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng nasabing sentro na palalakasin ng kaniyang sentro ang pagtutulungan at pagpapalitan nila ng mga arkeolohista ng timog-silangang Asya, malawak na mangolekta ng mga materiyal na may kinalaman sa arkeolohiya sa timog-silangang Asya, ilalathala ang mga ulat hinggil sa arkeolohiya sa timog-silangang Asya at itatatag ang plataporma para sa pagpapasulong ng usapin ng arkeolohiya sa timog-silangang Asya.
Idinaos noong Miyerkules sa Bansomdejchaopraya Rajabhat University ng Thailand ang seremonya bilang pagdiriwang sa unang anibersaryo ng pagtatatag ng Confucius Institute sa pamantasang ito. Pagkatapos ng seremonya, itinanghal ng mga mag-aaral na Tsino at Thai sa pamantasang ito ang isang palabas na may pamagat na "pagsasama ng iba't ibang kultura at pagtatatag ng may harmonyang daigdig".
Isiniwalat noong Miyerkules ng opisyal ng kwanihan ng turismo ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao ng Tsina sa Malaysia na noong unang 11 buwan ng taong ito, ang bilang ng mga turistang Malay sa Macao ay lumampas sa 340 libong person time na lumaki nang 97.3% kumpara sa gayung din panahon ng nagdaang taon. Ang Malaysia ay ika-4 na pinakamalaking lugar ng pinanggagalingan ng turista sa Macao. Ayon sa pagtaya, ang bilang ng tusitang Malay sa Macao ay aabot sa 400 libong person time sa taong ito, at umaasa ang Macao na makakaakit ng mahigit 560 libong tusrita mula sa Malaysia sa susunod na taon.
|