Ang prinsipyo ng magkasabay na aktibo at pasibong puwersa na binabago ang isa't isa tungo sa kanilang kabaligtaran ay siyang pinagbabatayang tema ng Dao De Jing (The Book of the Way at Its Virtue)--ang collected saying ni Laozi, sinaunang pilosopo at nakatatandang kapanabuhan ni Confucius.
Nangatwirang sinabi ni Laozi na ang katawan ng tao ay madaling hutukin at pleksible nang ipanganak ito at nagiging matigas at marupok pagkamatay, na gaya ng sa mga pananim. Kaya kapag umaalinsunod ang mga taong matigas ang kalooban at naggugumiit sa kanilang paraan, sa katunayan, ay higit na mahina kaysa yaong naka-a-adapt at napatatangay sa agos.
Ang ideolohiyang ito na inilipat sa teorya ng Wushu ay ipinahayag sa State of Yue may 2,000 taon na ang nakaraan ng isang babaeng mahusay sa swordplay. Nang purihin siya ng hari at tinanong ang sekreto ng kanyang di-pangkaraniwang kakayahan ay ganito ang isinagot niya:
"Pinipigil ng isang mahusay na swordwoman ang kanyang lakas at pinananatili ang kalmadong panlabas, pero nakikipaglabang gaya ng isang tigre. Mas madaling madaig ang kanyang kaaway sa pamamagitan ng pagkukunwaring nababatay sa kanyang ostensible humility."
Ang panloob at panlabas na Wushu ay nagpapakitang halimbawa ng dialektikong pagkakaisa ng magkasalungat: panloob at panlabos, malambot at matigas, hindi gumagalaw at gumagalaw, solido at likido. Ginamit na halimbawa ni Laozi ang tubig at bato; sa pagsasabing "Walang bagay sa daigdig na higit na malambot kaysa tubig, gayunman walang makakapantay sa kapangyarihan nitong papurulin ang matalim at paagnasin ang mgatigas."
|