• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-27 19:02:26    
Kabuhayang Tsino, kinakaharap ang pagkakataon at hamon

CRI
Hindi madali ang pagtamo ng gayong tagumpay sa kabuhayan ng Tsina sa taong ito. Mula noong isang taon, dumarami ang mga isyung gaya ng labis na paglaki ng pamumuhunan, labis ang kredito at trade surplus, bukod dito, lumitaw ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang bagong isyu. Upang maigarantiya ang matatag na pag-unlad, hindi lamang nagsasagawa ang pamahalaang Tsino ng patakaran ng pananalapi, kundi ginawang mahalagang paraan ng makro-kontrol ang pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas sa pagbuga.

Ayon sa estatisdika, noong unang 3 kuwarter ng taong ito, lumiit nang mga 3% ang konsumo ng enerhiya bawat GDP yunit. Hinggil dito, papuring sinabi ni Rajendra Pachauri, Tagapangulo ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) na:

"Nagsisikap rin ang Tsina sa paggamit ng solar-power, wind-power at iba pang regenerated energy at nagsisikap pa ang Tsina para mapataas ang episiyensiya ng paggamit ng enerhiya at kontrolin ang pagbuga ng greenhouse gas."

Ayon sa World Economic Outlook 2007 ng International Monetary Fund o IMF, sa taong ito, ang Tsina ay lalampas sa E.U. at magiging isang bansang may pinakamalaking ambag sa paglaki ng kabuhayan ng daigdig at ang ambag nito ay bubuo ng mga sang-kapat sa kabuhayan ng daigdig.

Ang naturang konklusyon ay kauna-unahang natagpuan sa ulat ng IMF.

Maliwanag ang bunga ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina sa taong ito, nguni't may mga problema sa kasalukuyan. Ang pangunahing tungkulin ng makro-kontrol ng Tsina sa susunod na taon ay maiwasan ang pagdako sa pagiging labis na mainit mula sa may kabilisan ng paglaki ng kabuhayan at ipigil ang implasyon.

Ayon sa isang ulat ng World Bank, dahil sa pagpapalakas ng patakaran ng makro-kontrol, babagal ang bilis ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa susunod na taon, pero, unti-unting titibay ang takbo ng kabuhayan.