Kaugnay ng dahilan ng pamumuhunan sa Fangchenggang port, sinabi ni Wang Binde, maneger ng departemento ng produksyon ng Kerry Oils & Grains Co. Ltd na:
"Sa isang dako, may bentahe sa piosisyong heograpikal ang Fangchenggang Port, ito ay malapit sa dagat at malawak na pamilihan sa Timog Kanlurang Tsina, malaki ang pangangailangan ng pamilihang ito; at sa kabilang dako naman, hindi pa maunlad ang rehiyong ito sa Tsina, kaya, malaki ang potensiyal sa hinaharap."
Kung itatatag ang pagawaan sa mga malaking lunsod na may malawak na pamilihan at mabibili at mabibili ang dekalidad na mantika. Pero, ang pagtatatag ng pagawaan sa mga maliit na lunsod na may magandang heograpikal na pasubali ay hindi lamang maaaring magtipid ng kapital sa paghahatid at lakas-manggagawa, kundi makapagbubukas ng bagong pamilihan.
Ikinalulugod ni Lee Yong Tick mula sa Radio Internasyonal ng Singapore nang makita ang pagtatagumpay ng Wilmar Holdings sa Tsina, sinabi niyang:
"Sa aming palagay, maganda ang prospek ng pag-unlad ng Wilmar Holdings. Sinabi kanina ng may kinalamang namamahalang tauhan sa pulong balitaan na mas maaga ang pamumuhunnan, mas malaki ang natatamong pakinabang hanggang sa kasalukuyan, malaki ang kinikita nila. Nananalig akong palalakasin ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Singapore nila ng panig Tsina."
Ayon pa ulat, ang Kerry Oils & Grain Co. Ltd ay naging tanging taga- pagsusuplay ng mantika sa Olympic Games ng Beijing sa 2008 at ang "Jinlongyu" ay magiging opisiyal mantika sa Olympic Games. Ito ay tiyak na pasusulungin ang ibayo pang pag-unlad ng Wilmar Holdings sa pamilihan ng Tsina.
|