Ang pag-unlad ng urbanisasyon ng Tsina ay patuloy na nagpapaliit sa agwat nito sa mga maunlad na bansa. Pagkaraan ng 20 taong pag-unlad, nagkakaroon ang Tsina ng walang katulad na magandang pagkakataon para sa urbanisasyon. Tinataya ni Mr. Fu Conglan na ang paglaki ng urbanisasyon ng Tsina sa hinaharap ay mananatili sa mahigit 0.6%. Sinabi niyang,
"Ang urbanisasyonng Tsina ay magkakaroon ng substensiyal na pag-unlad sa ika-21 siglo at tadtad ng mga may katamtamang laki't maliliit na lunsod sa buong bansa. Ang pag-unlad ng mga may katamtamang laki't maliliit na lunsod ay makapagpapasulong sa integrasyon ng mga lunsod at nayon, bagay na magpapaliit ng populasyon sa kanayunan. Sa taong 2020, nang maisakatuparan ng Tsina ang may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas, ang pamantayang ng urbanisasyon ng Tsina ay aabot sa mahigit 50%."
Sang-ayon si Mr. Xie Yang, direktor ng Seksyon ng pag-aaral sa kanayunan sa ilalim ng sentro ng pananaliksik sa pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina sa palagay ni Mr. Fu Conglan. Tinukoy niyang dapat pabilisin pa ang takbo ng konstruksyon ng mga maliliit na lunsod para maitugma ito sa pag-unlad ng mga malalaki't may katamtamang laking lunsod para malawakang matanggap ang mga labis na lakas-bisig sa kanayunan. Sinabi niyang,
"Dapat koordinadong umunlad ag mga malalaki, katamtamang laki at maliliit na lunsod. Ang estratehiya namin sa urbanisasyon ay tumutukoy sa urbanisasyon sa maraming paraan na kinabibilangan ng pagpapaunlad ng mga maliit na lunsod. Ito ay makakatanggap ng 150 hanggang 200 milyong populasyon sa kanayunan at ito ay bubuo ng isang mahalagang bahagi ng konstruksyon ng grupo ng mga lunsod at bayan."
Sinabi niyang ang urbanisasyon ng Tsina ay dapat tumahak sa isang malusog na landas na pangkaunlaran. Kasabay ng pagpapabilis ng takbo ng urbanisasyon, dapat pangalagaan nang mabuti ang kapaligirang ekolohikal.
|