Ayon sa salaysay ng torch relay centre ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, ang 43 taong gulang na si Zhou ay pumunta sa Beijing noong 1984 nang mabigo siya sa college entrance examination. Bialng isang migrant worker, kulang siya sa mga kinakailangang teknik sa trabaho. Taglay ang matatag na kalooban, buong sikap na nag-aaral habang nagtatrabaho.
Unti-unting nagi siyang huwaran sa hanay ng mga migrant worker at magkakasunod na lumahok sa konstruksyon ng mga mahalagang proyektong gaya ng China Millennium Monument, National Theatre, Bird's Nest at iba pa.
Sapul noong 2003, sa ilalim ng pamumuno ni Zhou, lumahok sa konstruksyon ng Bird's Nest, National Indoor Stadium, Olympic Village at iba pang mga pasilidad ng Olympiada ang construction squad na pinamagatang Zhou Guoyun Commando. Sa mga paligsahan ng pagtarabaho sa nasabing mga proyekto, maraming beses na nagkamit ng unang puwesto ang squad ni Zhou.
Lubso na pinapurihan din ng mga dalubhasa sa loob at labas ng bansa ang Kabilisan ng Bird's Nest, Diwa ng Bird's Nest na nilikha ni Zhou at ng kaniyang squad sa proseso ng konstruksyon. Nang iprinsinta ang mga sertipikasyon ng karangalan sa mamamahayag, sinabi ni Zhou na:
"Ito ang unang natamong karangalang ko na may kinalaman sa Olympic Project--ang Namumukod na Tagapagtayo ng Olympic Project at natamo ito sa proseso ng kostruksyon ng Bird's Nest, lubos na pinakamamahal ko ang karangalang ito."
Dahil sa kaniyang namumukod na ginawa, magkakasunod na ginagawaran si Zhou ng mga karangalang Top 10 Namumunod na Youth Migrant Worker, Pambansang Huwaran sa Pagtatrabaho ng Tsina, Namumukod na Tagapagtayo ng Olympic Project at iba pa.
Kasunod ng kaniyang tagumpay, marami rin siyang nagawa para sa kaniyang lupang-tinubuan, halimbawa, mag-abuloy siya ng maraming pondo para sa paghukay ng balong, paggawa ng lansangan, pagpapatayo ng paaralan at iba pa. Nag-abuloy din siya para sa usapin ng kawanggawa at tinutulong ang mga mahirap na mag-aaral sa dakong kanluran sa pagtanggap ng edukasyon.
|