Ngayon, isasalaysay namin sa inyo ang hinggil kay Sekiya Fumitada, Pangalawang Maneger ng SMC (China) Co. Ltd. Binanggit niya ang kaniyang pakiramdam hinggil sa pagpapatakbo ng pagawaan sa Beijing nitong mahigit 10 taong nakalipas.
Sa kauna-unahang pagtatagpo, nag-iwan si Sekiya ng hard-working impresiyon. Nang mabanggit ang pakiramdam hinggil sa pamumuhay sa Beijing, sinabi ni Sekiya na:
"Mabilis ang pagbabago ng Beijing nitong ilang taong nakalipas, hindi lamang sa kapaligiran ng pamumuhay, kundi sa kapaligirang panlipunan. Kinaiinteresan ko ang pagbabago ng Beijing, tuwing lumalabas ako'y bagong natuklasan dito."
Itinatag ang SMC (China) Co. Ltd. noong 1994. Ito ay isang empresang absalutong pinatatakbo ng puhunan ng SMC ng Hapon. Batay sa mahigit 10 taong pag-unlad, SMC (China) Co. Ltd ay naging isang pinakamalaking base ng SMC sa ibayong dagat sa pagyari, pagluluwas at pagpoproseso ng gas engine component. Bilang Pangalawang Maneger, isiniwalat ni Sekiya na sa simula, nag-agam-agam ang kompanya sa pamumuhunan sa Beijing, nguni't, ang mainam na pag-unlad nito ay nagpatunay na tumpak ang gumawa naming pagpili.
Sa kasalukuyan, itinatag na ang una at ika-2 pagawaan ng SMC sa sona ng pagpapaunlad ng kabuhayan at teknolohiya ng Beijing, itinatag naman kamakailan ang ika-3 pagawaan sa Beijing. Sinabi ni Sekiya na ang dahilan ng pagpili ng Beijing para itayo ang sangay ng SMC ay mainam ang kapaligiran ng pamumuhunan dito.
"Una, sa paggamit ng lupa, may preperensiyal na patakaran sa mga dayuhang bahay-kalakal, ika-2, ang mga kahilingan namin ay madaling binibigyan-kasiyahan ng pamahalaan at isa pa, sa aspekto ng pagluluwas, nagtatamasa din kami ng maraming preperensiya na patakaran.
|