• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-08 15:02:35    
Emmy Panajon: Maganda iyong sinasabi mong "Hybrid Rice Program"

CRI

Dear Ramon,

Happy New Year, Happy Three Kings at Merry Christmas pa rin.

Unang una, dasal ko ay tumaba-taba ka naman at bumigat-bigat ang iyong timbang. Masyado ka nang nasubsob sa work at masyado mo nang napabayaan ang katawan mo. Payat na payat ka sa picture.

Maganda iyong sinasabi mong "Hybrid Rice Program". Napakinggan ko iyong first two parts. Iyong panghuli hindi ko nabuo dahil nag-iba iyong signal. Anyway, sa tingin ko, pinaghirapan ninyo itong special program na ito at ipinakikita nito ang ingenuity ng China sa rice breeding. No wonder na may sapat na pagkain ang buong Chinese populace. Sana sa 2008, magkaroon pa kayo ng mga programa na nagpapakita ng ingenuity ng agri-technicians ng China.

Wala akong resolution ngayong taon pero meron akong ilang wishes. Una, gusto kong ma-attain ng Pinas ang national unity. Pangalawa, gusto ko ma-maintain ng Philippines at China ang mabuting pagsasamahan. Pangatlo, gusto kong mabura na ang gutom at kahirapan sa mundo at matuldukan na ang pananamantala ng malalakas na bansa sa mahihina.

Welcome din sa akin ang inyong Olympic Knowledge Contest. Kailangan din kasing mabigyan ng konting excitement ang listeners para mas ganahan silang makinig.

Inuulit ko rin ang wish ko na magkaroon ng konting laman ang iyong katawan at konting bigat ang iyong timbang. Huwag sosobra sa trabaho.

Pakibati ang lahat ng mga kaibigan sa CRI.

God bless you all!

Emmy Panajon
2313 E. Florante
Pandacan, Manila
Philippines