Naging isa siyang matagumpay na artista sa Hollywood, pero higit na mahalaga para sa kanya ang minimithi niyang pangarap na maging isang direkto ng pelikula Gusto niyang maipakita sa pamamagitan ng pelikula ang kanyang nagsasariling kaisipan. Anya,
Hanggang sa pagtalunton ko sa aking ika-30 taon at mahigit pa, saka naitanong ko sa sarili na ano kaya ang talagang kong gustong gawin. Maging artista bang kagaya ko ngayon. Sa ganang akin, ang gayong artista ay masasabi nang medyo matagumpay sa hanay ng mga artistang Tsino sa Estados Unidos. Ito nga ba ang hinahangad ko? Hanggang dito na lamang ba ang ginagampanan kong propesyon.Ang pinakalulunggati ko'y maging isang direktor ng pelikula na ako mismo ang kakatha ng script. Sa gayon lamang lalong maipapakita ko sa pelikula't sa aking katha ang aking pananaw sa daigdig at ang pagpapahalaga sa mga bagay-bagay.
Noong 1998, kasali siya sa pagprodyus ng pelikulang magkasamang niyari ng Tsina at Estados Unidos sa Beijing. Magmula noon, nasaksihan niya mismo ang malaking ipinagbago ng lipunang Tsino, kaya ipinasiya niyang umuwi sa Tsina para matupad ang kanyang pangarap na maging tagasulat ng senaryo at maging direktor. Kumatha siya ng isang script at isinapelikula na siya ang direktor. Pinagatan iyong "Walang Kapintasang Kababaihan". Ang kuwento'y tungkol sa isang bilanggong napiit ng 8 taon. Hangad niya'y pagkalabas niya sa piitan ay pakakasal sila ng kanyang dating kasintahan. Pero nang sunduin siya ng kanyang kasintahan. Nagap na nagbago na ang kanyang kasintahan. Hindi na siya yaong mahinhin at mabait na dilag. Ilang beses na naipalabas ang naturang pelikula sa International Film Festival at pinapurihan ng mga propesyonal na tauhan. Higit na kinalugdan ni Chen Daming ang kanyang pagiging tagasulat ng script at direktor. Anya;
Ako ang sumulat ng sarili kong script. Ganap na magkaiba ang aking apkiramdam nang sinusulat ko ang script, ganap na angkin ko iyon at ginagawa ko nang sarilinan. Nang umabot sa kasukdulan, lugod na lugod ako,Samantalang sa pagiging direktor naman, kolektibo iyon, talagang iba ang pakidamdam ko.
|