Sa kasalukuyan, ang sona ng pagpapaunlad ng kabuhayan at teknolohiya sa Beijing ay naging isang lugar na pinagtitipunan ng mga transnasyonal na kompanya. Sinabi ni Sekiya na maraming bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang dayuhan ang umaasang mamumuhunan sa Beijing, ngunit, mas mahirap ngayong para sa mga puhunang dayuhan para sa pagpasok sa Beijing. Ito ay nagpapakita ng pagbabago ng patakaran ng Tsina sa paggamit ng puhunang dayuhan.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang Haiping, pangalawang puno ng Lupon hinggil sa pag-unlad at reporma ng Beijing na:
"Nitong ilang taong nakalipas, ang Beijing ay naging unang pagpili ng mga pamumuhunang dayuhan sa loob at labas na bansa, espesyal na ng mga rehiyon ng HKSAR, Macow SAR at Taiwan dahil sa mainam na kapaligiran ng pamumuhunan at serbisyo nito. Sa ilalim ng kalagayang ito, una, pinapasok namin ang mataas na teknolohiya, at ikalawa, pinapasok ang industriya ng serbisyo na angkop sa pag-unlad ng kabisera. "
Ang Sekiya ay 59 taong gulang sa taong ito at sa susunod na taon, siya ay umabot sa gulang na magretiro na itinakda ng batas ng Hapon. Idaraos din dito sa Beijing ang ika-29 Olympics sa susunod na taon, at ikinasisiya niya ito. Sinabi niyang:
"Noong ako ay isang estudyente pa sa high school, idinaos ang Olympic sa Tokyo ng Hapon. Bago ang pagdaraos nito, hindi mainam ang kabuhayan ng Hapon. Ngunit, pagkaraan ng Olympics, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan. Kaya ipinalalagay naming sa pamamagitan ng pagdaraos ng Olympics, tiyak na magaganap sa Tsina ang malaking pagbabago. Sa pamamagitan ng 2008 Beijing Olympics, kakatigan namin ang Tsina, dahil nakatira ako dito sa mahabang panahon."
Nitong ilampung taong nakalipas, may maraming kaibigan si Sekiya sa Tsina. Sinabi niyang ang pagtatrabaho sa Tsina ay nakapagyayaman ng kanyang pamumuhay.
|