• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-11 21:27:24    
Olympic Contest, Hybrid Rice Program Welcome sa Tagapakinig

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa una at espesyal na edisyon ng Dear Seksiyong Filipino 2008.

Ngayong gabi, bibigyang-daan natin ang mga liham nina Emmy Panajon ng Pandacan, Manila at Rachel Truitt ng Germany plus iyong mga mensahe ng ating masisipag na textmates.

Sabi ni Emmy sa kaniyang snail mail:

Dear Ramon,

Happy New Year, Happy Three Kings at Merry Christmas pa rin.

Unang una, dasal ko ay tumaba-taba ka naman at bumigat-bigat ang iyong timbang. Masyado ka nang nasubsob sa work at masyado mo nang napabayaan ang katawan mo. Payat na payat ka sa picture.

Maganda iyong sinasabi mong "Hybrid Rice Program." Napakinggan ko iyong first two parts. Iyong panghuli hindi ko nabuo dahil nag-iba iyong signal. Anyway, sa tingin ko, pinaghirapan ninyo itong special program na ito at ipinakikita nito ang ingenuity ng China sa rice breeding. No wonder na may sapat na pagkain ang buong Chinese populace. Sana sa 2008, magkaroon pa kayo ng mga programa na nagpapakita ng ingenuity ng agri-technicians ng China.

Wala akong resolution ngayong taon pero meron akong ilang wishes. Una, gusto kong ma-attain ng Pinas ang national unity. Pangalawa, gusto ko ma-maintain ng Philippines at China ang mabuting pagsasamahan. Pangatlo, gusto kong mabura na ang gutom at kahirapan sa mundo at matuldukan na ang pananamantala ng malalakas na bansa sa mahihina.

Welcome din sa akin ang inyong Olympic Knowledge Contest. Kailangan din kasing mabigyan ng konting excitement ang listeners para mas ganahan silang makinig.

Inuulit ko rin ang wish ko na magkaroon ng konting laman ang iyong katawan at konting bigat ang iyong timbang. Huwag sosobra sa trabaho.

Pakibati ang lahat ng mga kaibigan sa CRI.

God bless you all!

Emmy Panajon
2313 E. Florante
Pandacan, Manila
Philippines

Thank you so much, Emmy, sa sulat mo at sa pag-uukol mo ng panahon sa aming mga programa. Sana hindi mabawasan ang init ng pagtanggap mo sa aming mga programa. God love you.

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng mga SMS ng ating textmates. (BG MUSIC FOR SMS FADES IN…FADES DOWN)

Mula sa 919 651 1659: "Happy New Year and Happy Three Kings! May you have more new programs to come!"

Mula naman sa 917 960 6218: "Masaganang Bagong Taon, Kuya Mon. Kita-kits tayo ngayong taon sa Olympics!"

At mula naman sa 921 378 1478: "Hello and Happy New Year, Beijing! Umaasa kaming magiging lubos na matagumpay ang Summer Olympics!"

Ngayon, tunghayan naman natin ang liham ni Rachel Truitt ng Germany. Sabi ng kaniyang email:

Dear Kuya Ramon,

Manigong Bagong Taon!

Paano ninyo isinelebreyt ang Christmas at New Year? Hindi mahalaga kung simple man o walang gaanong handa. Ang talagang mahalaga ay talagang masaya kayo. Ang kasiyahan kasi ay nasa loob at kahit anong pilit mong itago ito, lalabas at lalabas din

Meron din akong wish sa 2008. Gusto kong mabago ang takbo ng politics sa atin. Gusto kong mawala ang suwapangan at sobrang pagpapapogi. Wish ko rin na sana maging successful ang CRI sa mission nitong maipakilala ang China sa mundo at sa pagpapakilala sa China ng mga bagong friends. Wish ko rin na matapos na ang mga nasimulang projects ng China sa Pilipinas para magsimula na ring mag-enjoy ang mga Pilipino sa convenience na kaloob ng mga projects na ito. Wish ko rin na makarating ako sa Beijing bago magsimula ang Olympics.

Pinakikinggan ko ang inyong transmission sa 12.110 MgHz sa alas-otso ng gabi. Madalas kaysa hindi, ang inyong signal ay nakakarating sa lugar namin nang buong linaw. Utang ko sa inyong Serbisyo Filipino ang pagkakatuklas ko ng maraming bagay tungkol sa kasalukuyang China.

Dati, dito sa amin, kung gusto mong kumain ng Chinese food o bumili ng Chinese novelty items at RTW's, kailangan pang bumiyahe ka nang isang oras sa train. Ngayon, hindi na. Makakabili ka na dito sa malapit ng mga Chinese products at makakakain na ng Chinese foods. Ang Chinese restaurants ay nasa pali-paligid na at ang mga paninda ay nasa halos lahat ng shopping malls.

Sumali ako sa inyong contest na may koneksiyon sa Olympics. Sana magkaroon pa kayo ng ganito sa future.

This is all for now!

Rachelle Truitt
Remagen, Germany

Maraming salamat sa iyong sulat, Rachelle at sa iyong patuloy na pagtangkilik sa aming mga programa. Sana hindi ka magsawa ng pakikinig at pagsulat sa amin. Kumusta sa lahat ng mga kaibigan diyan sa Germany, ha? God love you, Rachelle.

Sabi ng email ni Blanca Cabral ng R. R. Landon Ext., Cebu City:

"Kahanga-hanga ang paghahanda ng Beijing para sa 2008 Beijing Olympics. Maaga pa ay halos kumpleto na ang lahat ng venues at ito ang pinakamaraming venues sa history ng Olympics. Ito rin ang Olympics na hindi lamang para sa promotion ng sports at sportsmanship kundi promotion din ng clean and green environment."

Maraming-maraming salamat sa iyong email, Blanca.

At iyan ang kabuuan ng ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at Happy New Year!