Kinatagpo noong Lunes sa Beijing ni Cao Gangchuan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, si Chiang Chie Foo, Pirmihang Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Singapore. Sinabi ni Cao na mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Singapore, at madalas ang kanilang pagdadalawan sa mataas na antas, at masigla ang pagpapalitan ng magkabilang panig sa iba't ibang larangan at lebel, at walang humpay na lumalawak at lumalalim ang relasyon ng hukbo ng dalawang bansa. Patuloy aniyang palalakasin ng Tsina ang pagpapalitan at pagtutulungan nila ng Singapore. Lubos na pinapurihan naman ni Chiang Chie Foo ang relasyon ng dalawang bansa at ng kanilang hukbo. Inulit din niyang nananangan ang kaniyang pamahalaan sa patakarang isang Tsina.
Idinaos noong Miyerkules sa Beijing ang ika-5 pulong ng unang konseho ng China-ASEAN Association. Sinabi sa pulong ni Gu Xiulian, tagapangulo ng asosyasyong ito, na ang Tsina at mga bansang ASEAN ay matalik na magkakapitbansa at nitong nakalipas na isang taon, humigpit ang pagtitiwalang pulitikal ng Tsina at ASEAN at sumagana ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan. Sinabi naman ni Sudrad jat, embahador ng Indonesya sa Tsina, na may matatag na relasyon ng ilang siglo ang mga mamamayan ng Timog Silangang Asya at Tsina at umaasa siyang ang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN ay susulong sa mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Dumalo rin sa pulong na ito ang mga embahador sa Tsina ng Laos, Kambodya, Biyetnam, Thailand at iba pang bansang ASEAN.
Binuksan noong araw ng Linggo sa Kunming, punong lunsod ng Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina ang ika-5 "mapagkaibigang pagpapalitan ng kabataan sa Lancang-Mekong River". Sa paanyaya ng All-China Youth Federation, mahigit 50 batang kinatawan mula sa Myanmar, Thailand, Kambodia, Laos at Biyetnam sa Greater Mekong Sub-Region ang kalahok sa mga aktibidad sa Tsina. Magsasagawa ang naturang delegasyon ng apat na araw na pagdalaw sa Kungming. Pagkaraan ng kanilang pagdalaw sa Tsina, patuloy silang dadalaw sa Myanmar, Thailand, Kambodia, Laos at Biyetnam.
Nang araw ring iyon, idinaos din sa Kunming ang pulong ng konsultasyon ng mga kabataang Tsino ng Greater Mekong Subregion. Lumahok sa pulong ang halos 50 kinatawan mula sa mga departmento ng pamahalaan ng Tsina, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi at Lalawigan ng Yunnan, All-China Youth Federation at Asian Development Bank. Sa pulong, isinalaysay ng mga kinatawan ng panig Tsino ang kalagayan hinggil sa paglahok ng Tsina sa kooperasyon sa GMS at isinalaysay naman ng kinatawan ng ADB ang hinggil sa mga proyekto nito sa Tsina. Tinalakay din ng mga kinatawan ang hinggil sa paglahok ng mga kabataang Tsino sa kooperasyon ng GMS at iba pa.
Ayon sa ulat noong Martes ng adwana ng Lunsod ng Changchun ng Lalawigang Jilin sa hilagang silangang Tsina, isasaoperasyon ang 6 na pandaigdig na flights mula lunsod na ito patungong Los Angeles, Hanoi, Kuala Lumpur, Pinang, Ho Chi Minh City at Singapore City.
|