• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-14 20:20:28    
Di Magkamayaw Kahit na ang mga Manok at Aso

CRI
Noong 2006, ginawa niya ang pelikulang "Di Magkamayaw Kahit na ang mga Manok at Aso". Ang kuwentong iyo'y naganap sa isang matandang bayan ng Kaifeng. Tungkol iyon sa tatlong disempleyong actor ng local opera ng Henan, Isinasaad sa pelikula ang kanilang karanasan sa paghahanap ng trabaho para sa ikabubuhay nila. Ginamitan ng diyalektong Henan ang Pelikula kay mapagpatawa. At di malaki ang puhunan Kinalugdan iyon ng mga manunuuod. Tinagurian iyon ng massmedia at ng mga film review na isang magandang pelikulang maliit lamang ang ipinuhunan Ilang beses na iyong naipalabas sa mga film festival sa labas ng bansa. At iniluwas pa sa Israel at iba pang bansa. Sinabi ni Chen Daming na ipinakikita sa naturang script ang kanyang pagkaunawa sa buhay ng mga tao at sa pelikula. Anya;

Gusto kong kumatha ng mga pelikulang palatawa, mas gusto ko ang mapanudyong katha,ganito talaga ang buhay. Mapait na may kahalong palabiro at palatawa. Kinahiligan kong magprodyus ng pelikulang nakapanluluha at nakapagpapatawa o nakapagpapatawa at at nakapanluluha. Ganoon ang pelikulang "Di Magkamayaw Kahit na ang mga Manok at Aso". Isa itong pagsubok ko.

Sa pag-interbyu, isinalaysay ni Chen Daming ang kanyang karanasan sa Hollywood at buhay sa nakaraan. Nang banggitin ang kalagayan ng pamilihan at ang kinabukasan ng Pelikula sa Tsina, palagi siyang masayang tumatawa. Anya'y marami siyang natutuhan sa praktikal na gawain. Tulad ng pagpapasalamat sa kagandahang loob, pakikipagkooperasyunan at pagpapakasarap sa buhay. Natupad ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pelekula. Buong tatag niyang ipagpapatuloy ang kanyang gawain sa hinaharap, para maipakita ang higit na maaliwalas na pamumuhay.