Sa Tianjin, isang lunsod sa dakong hilaga ng Tsina, si Kim Yeong Rea ay isang dinarangal na mangangalakal na Timog Koreano doon. Sapul nang mamuhunan siya para magtayo ng pabrika doon noong taong 2003, nagbibigay siya ng tulong sa 13 mahihirap na ampon sa aspetong pinansyal at nang sa gayo'y makapagtapos ang naturang mga ampon ng kanilang kurso. Si Ginoong Kim ay hindi lamang binigyang ng titulong naninirahang pandangal ng Tianjin, kundi nahalal na isa sa sampung pinakamabuting sibilisadong naninirahan doon.
Noong ika-10 ng Nobyembre ng taong 2006, masayang tumanggap si Kim Yeong Rea ng sertipikasyon ng sibilisadong naninirahan ng Tianjin at siya ay tanging dayuhan sa mga tumatanggap ng sertipikasyon. Ang ginagawa ng naturang Timog Koreanong mangangalakal na nagbibigay ng pera para tulungan ang mga bata sa lokalidad sa pag-aaral ay nakaaantig ng mga taga-Tianjin. Kagunay ng nabanggit na ginagawa, sinabi ni Ginoong Kim na
"Ang pag-abuloy para sa mga mahihirap, sa palagay ko, ay dapat sumunod sa prinsipyo ng pagbibigay ng walang pag-imbot na ambag at hindi dapat gumawa ito para sa pagpapakasikat. Kaya, nang maging kilala sa palibot ng lunsod ang ginagawa ko, nahihiya ako talaga!"
Si Ginoong Kim Yeong Rea ay maneger ng isang elektronikong bahay-kalakal ng Tianjin. Noong taong 2001, pumarito siya para itatag ito. Sa kaniyang pananatili sa lunsod na ito para sa pagpapasimula ng kaniyang negosyo, nakikita niya mismo ang ilang mahihirap na ampon sa paligid niya na hindi nakakapasok sa paaralan, nagdamdam siyang husto at nagpasiyang tulungan ang mga batang ito. Noong taong 2004, pinili ni Kim ang 13 mahihirap na ampon sa pamamagitan ng tulong ng lokal na pamahalaan at mula noo'y nagkakaroon na sila ng mga bata ng relasyong pantulong sa mahabang panahon. Regular na sinusundo ni Kim ang naturang mga bata sa kaniyang bahay-kalakal para magkakasamang kumain, pag-usapan ang kanilang pag-aaral at pamumuhay at bigyang sila ng instruksyon upang tulungan silang lumaki nang malusog at masaya.
|