• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-15 20:00:24    
Enero ika-7 hanggang ika-13

CRI
Sinimulan noong Martes ni ispiker Jose De Venecia ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina at matatapos ang pagdalaw na ito sa kasalukuyang Miyerkules.

Nakipagtagpo noong Miyerkules sa Beijing kay De Venecia si tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wu na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Pilipinas, na pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at relasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni Wu na pumasok na sa bagong yugto ng estratehikong kooperasyon ang relasyong Sino-Pilipino. Anya, ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan ay hindi lamang nagdudulot ng totohanang kapakanan sa kanilang mga mamamayan, kundi nagbigay din ng positibong ambag sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Hinahangaan din ni Wu ang pananangan ng Pilipinas sa patakarang isang Tsina at pagtutol sa pagsasarili ng Taiwan. Kaugnay ng relasyong pangkaibigan ng NPC at mataas at mababang kapulungan ng Pilipinas, ipinahayag ni Wu ang pag-asang patuloy na mapapanatili ng dalawang pang ang mainam na tunguhin ng pagpapalagayan, mapahihigpit ang pagsasanggunian at pagkokoordina sa mga organisasyong parliamental sa rehiyon at daigdig at magaganap ang mas malaking papel sa pagpapalawak ng estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi naman ni De Venecia na ang mabilis na umuunlad na kabuhayan ng Tsina ay nagdudulot ng mahalagang pagkakataon sa kabuhayan ng mga bansang Asyano. Anya, sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, pumasok na sa ginintuang yugto ang relasyong Sino-Pilipino at pinahahalagahan ng mababang kapulungan ng Pilipinas ang pagpapaunlad ng pagkakaibigan at pagtutulungan nila ng NPC para makapagbigay ng bagong ambag sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Nakipagtagpo noong Huwebes kay De Venecia si Premyer Wen Jiabao ng Tsina. Ipinahayag ni Wen na mataas na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan nila ng Pilipinas at nakahandang magsikap, kasama ng panig Pilipino, para mapataas ang estratehikong kooperasyon ng 2 panig sa isang bagong antas. Anya, sa kasalukuyan, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal at kapansin-pansin ang kooperasyon nila sa iba't ibang larangan. Sinabi rin niyang sa kasalukuyan, aktibong itinatakda ng dalawang panig ang plano sa magkasanib na aksyon ng estratehikong kooperasyon at ito ay isang mahalagang hakbangin tungo sa pangmalayuang relasyon ng 2 bansa na ibayo pang magpapasulong ng kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Ipinahayag naman ni De Venecia ang pag-asa ng panig Pilipino na makakaabot sa mas mataas na lebel ang bilateral na kooperasyon nila ng Tsina. Ibayo pang magpapatingkad anya ang kanyang kapulungan ng positibong papel para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino. Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin kay De Venecia si Wang Jiarui, ministro ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa lalo pang pagpapalalim ng pagpapalagayan ng mga partido ng 2 bansa.

Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin kay De Venecia si Wang Jiarui, ministro ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng ibayo pang pagpapalalim ng pagpapalagayan ng mga partido ng Tsina at Pilipinas at iba pa.

Mula noong Biyernes hanggang araw ng Linggo, dumalaw si De Venecia sa Lalawigang Guizhou sa timog kanlurang Tsina. Noong Biyernes, kinatagpo siya ni Shi Zongyuan, party secretary at puno ng pirmihang lupon ng Kongresong Bayan ng lalawigang ito. Sa pagtatagpo, pinasalamatan muna ni Shi si De Venecia sa kanyang pagbibigay-ambag sa pagkakaibigang Sino-Pilipino. Sinabi ni Shi na ang aktibong paglahok sa konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ay itinakdang patakaran ng Guizhou at umaasa siyang masasamantala ang pagdalaw ni De Venecia para ibayo pang mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Guizhou at Pilipinas sa kabuhayan, kultura, turismo at iba pang aspekto. Hinahangaan naman ni De Venecia ang estratehiya ng paggagalugad ng rehiyong kanluran ng Tsnia at ipinahayag niyang umaasang maitatatag ng Lalawigang Guizhou at mga pamahalaang lokal ng Pilipinas ang partnership para mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan, pagbabawas ng kahirapan, pagtatanim ng punong kahoy at iba pa at maisasagawa ng sirkulong industriyal ng dalawang panig ang malawakang kooperasyon para makapagbigay-ambag sa kasaganaan at kaunlaran ng isa't isa. Sa kanyang pananatili sa Guizhou, bumisita rin si De Venecia sa mga lugar kung saan ang mga pangunahing naninirahan ay etnikong Miao at Dong, mga pambansang minorya ng Tsina.

Pagkatapos ng pagdalaw sa Guizhou, ipinagpatuloy ni De Venecia ang pagdalaw sa Yunnan, isa pang lalawigan sa timog kanlurang Tsina. Sa pagtatagpo noong araw ng Linggo nila ni Bai Enpei, party secretary ng Yunnan, ipinahayag ni De Venecia na nakahanda ang kanyang bansa na itatag ang mahigpit na kooperasyong pangkabuhayan sa lalawigang ito. Ipinalalagay ni De Venecia na maaaring palakasin ng mga bahay-kalakal ng Pilipinas at Yunnan ang kooperasyon sa larangan ng konstruksyon, kemika, edukasyon at teknolohiyang agrikultural. Sinabi rin niyang nakahanda ang mga lunsod ng Pilipinas na maging lunsod na pangkaibigan ng Kunming. Sinabi naman ni Bai na ikinasisiya niya ang mabilis na pag-unlad ng kalakalan ng Yunnan at Pilipinas noong isang taon at nakahanda anya ang Yunnan na palakasin ang pakikipagtulungan sa Pilipinas sa iba't ibang larangan.