Si Xi Zhinong ay isang Tsinong potograpo ng temang mailap na hayop. Sa International Wildlife Film Festival ng Hapon na idinoas noong Agosto ng 2003 sa lunsod ng Toyama ng Hapon, tumanggap ang kathang "paghahanap ng Golden Monkey sa lalawigang Yunnan" ni Xi ng gantimpala bilang pinakamahusay na pelikula ng Asya, at siya ay tumanggap rin ng pinakamataas na gantimpala ng Tsina sa pangangalaga sa kapaligiran.
Si Xi Zhinong ay 43 taong gulang. Matangkad siya at lagi siyang ngumingiti. Nagtrabaho minsan siya sa CCTV at noong taong 1998, siya ang naging isang malayang potograpo at boluntaryo sa pangangalaga sa kapaligiran pagkatapos ng pagbitiw sa tungkulin. Mahilig siyang ipakita ang pamumuhay ng mga hayop sa pamamagitan ng larawan. Sinabi ni Xi na ang pagpili niya ng gayong probesyon ay may kinalaman sa kaniyang karanasan noon bata pa siya, sinabi niya na,
"Marikit ang kapaligiran ng purok na pinaninirahan ko noon bata pa ako. Sa panahong iyon, nag-aruga ako ng pato at maya at sa gabi, narinig ko ang paghiyaw ng kuwago, at kung minsan, narinig ko ang angal ng lobo sa labas ng bakod."
Ang lupang-tinubuan ni Xi Zhinong ay isang bayan ng lalawigang Yunan. Makapal na kumot ng mga puno at damo doon at pinagpupugaran ng maraming mailap na hayop. Nang 10 taong gulang siya, sumama siya sa kaniyang mga magulang sa lunsod Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan para mag-aral at pagkaraan ng mahigit 20 taon, bumalik siya sa kabisado niyang kalikasan bilang isang espesyal na potograpo sa temang mailap na hayop at nagsimula na ang kaniyang mayaman at makulay na pamumuhay.
Nitong mahigit sampung taong nakalipas, nakaranas siya ng maraming panganib sa takbo ng pagkuha ng mga larawan ng mga mailap na hayop, datapuwa't hindi nabawasan nito ang kaniyang marubdob na damdamin sa paglapit sa kalikasan. Sa kaniyang palagay, dapat walang humpay na kunan ang larawan ito, kung magkakagayon, saka lamang makakapukaw ng higit na pagmamahal at pagkaunawa ng sangkatauhan sa mga bagay sa paligid nila.
|