Dear Kuya Ramon,
Manigong Bagong Taon!
Paano ninyo isinelebreyt ang Christmas at New Year? Hindi mahalaga kung simple man o walang gaanong handa. Ang talagang mahalaga ay talagang masaya kayo. Ang kasiyahan kasi ay nasa loob at kahit anong pilit mong itago ito, lalabas at lalabas din.
Meron din akong wish sa 2008. Gusto kong mabago ang takbo ng politics sa atin. Gusto kong mawala ang suwapangan at sobrang pagpapapogi. Wish ko rin na sana maging successful ang CRI sa mission nitong maipakilala ang China sa mundo at sa pagpapakilala sa China ng mga bagong friends. Wish ko rin na matapos na ang mga nasimulang projects ng China sa Pilipinas para magsimula na ring mag-enjoy ang mga Pilipino sa convenience na kaloob ng mga projects na ito. Wish ko rin na makarating ako sa Beijing bago magsimula ang Olympics.
Pinakikinggan ko ang inyong transmission sa 12.110 MgHz sa alas-otso ng gabi. Madalas kaysa hindi, ang inyong signal ay nakakarating sa lugar namin nang buong linaw. Utang ko sa inyong Serbisyo Filipino ang pagkakatuklas ko ng maraming bagay tungkol sa kasalukuyang China.
Dati, dito sa amin, kung gusto mong kumain ng Chinese food o bumili ng Chinese novelty items at RTW's, kailangan pang bumiyahe ka nang isang oras sa train. Ngayon, hindi na. Makakabili ka na dito sa malapit ng mga Chinese products at makakakain na ng Chinese foods. Ang Chinese restaurants ay nasa pali-paligid na at ang mga paninda ay nasa halos lahat ng shopping malls.
Sumali ako sa inyong contest na may koneksiyon sa Olympics. Sana magkaroon pa kayo ng ganito sa future.
This is all for now!
Rachelle Truitt Remagen, Germany
|