Si Park Shin Ho ay isang taga-Timog Korea na nagtatrabaho nang halos 8 taon sa Shenyang, isang lunsod sa Hilagang Silangang Tsina at siya'y CEO ngayon ng kompanya ng pamumuhunan ng SK group sa Tsina at ang SK group ay isang malaking multinasyonal na grupo ng enerhiya, komunikasyon at lohistiks at nasa ika-98 puwesto sa World's Top 500 sa taong 2007.
Nang mabanggit ang pakiramdam hinggil sa kaniyang gawain sa Tsina, sinabi niyang malalim ang impresiyon niya sa mabilis na pag-unlad ng Tsina.
Sinabi ni Park na maaga ang pagsisimula ng pagpapalitang pangkalakalan ng SK at Tsina at gumanap ng malaking papel sa takbo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Korea, pero, kung tutuurin, ang tunay na pamumuhunan at kalakalan sa Tsina ay nagsisimula lamang noong 2005 nang itatag ang kompanya ng pamumuhunan ng SK Networks sa Tsina. Sianbi niyang:
"Noong 2003, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang patakaran ng pagpapasigla ng dakong Hilagang Silangan ng bansa. Noong panahong iyon, ipinalalagay naming kung papasok sa dakong Hilagang Silangan kung saan ay bihirang nakakakita ng mga bahay-kalakal na mula sa World 's Top 500, masasabing maaliwalas ang hinaharap namin kung mag-iinrest doon."
Nakontrata ng SK ang 2 malaking pampublikong proyekto sa Shenyang, bukod dito, namuhunan pa sa lunsod ng Dandong na kahangga ng Hilagang Korea.
Kasabay ng walang humapy na pagpapabuting relasyon ng Hilaga at Timog Korea, buong tatag na nananalig si Park na bilang pinakamalaking lunsod ng Tsina na tanging kahangga ng Hilagang Korea, ang Dandong ay may mainam na nakatagong lakas sa pag-unlad sa hinaharap.
|