• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-18 16:09:55    
Ginintuang Ani: Ginintuang Programa ng Kasalukuyang Panahon

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.

Ang mga tinig sa kabilang linya ng telepono na maririnig ninyo sa bahaging ito ng ating programa ay mga tinig ng mga tagapakinig na nagpapahayag o nagpaparamdam ng kanilang informative reactions sa aming espesyal na programang "Ginintuang Ani".

Ang naturang programa ay isinahimpapawid namin nitong nakaraang buwan at hindi pa man natatapos ang serye ay tumanggap na kami ng mga tawag sa telepono at SMS.

Sa pag-uusap namin sa telepono, sinabi ng public school teacher na si Anne Viado ng Manila na matagal na niyang hinihintay ang ganitong uri ng programa. Ito, aniya, ay nagkakaloob ng magandang impormasyon sa mga tagapakinig, magsasaka man o hindi, kung papaano mapapalaki ang aning palay sa siyentipikong paraan at paraang subok na. Ang ganitong paraan, aniya, ay bagay na bagay sa kasalukuyang panahon dahil ito ay panahon ng paghahanap ng bagong paraan ng pagpapataas ng produksiyon ng pagkain. Sinabi pa niya na ang ganitong programa ay napapanahon lalo na sa Pilipinas.

Sabi naman ng fish dealer na si Tamer Estilong ng Malabon na ang mga siyentistang tulad ng Chinese na nakaimbento ng hybrid rice technology ay dapat dakilain para iyong iba pang mga mananaliksik na nasa katulad na larangan ay magkaroon ng encouragement. Aniya, milyun-milyon ang nagugutom ngayon sa mundo at kailangan natin ang mga siyentistang nagbubuhos ng panahon para makatuklas ng makabagong paraan ng pagpoprodyus ng pagkain.

Binabati naman ni Wilbert Nicolas ng Bukidnon ang Filipino Service ng CRI sa pagsasahimpapawid nito ng espesyal na programang "Ginintuang Ani." Para sa kaniya, ang espesyal na programang ito ay hindi lang informative kundi educational rin.

Ngayon, tingnan naman natin ang feedbacks mula sa ating textmates.

Mula sa 919 461 3883: "Ginintuang Ani--ginintuang programa ng kasalukuyang panahon! Masundan pa sana sa Bagong Taon! Mabuhay sa Serbisyo Filipino!"

Mula naman sa 918 794 3455: "Hybrid rice technology, dakilang imbensiyon

mula sa China. Layon nitong pagandahin ang buhay ng balana. Ganitong imbensiyon sana dumami pa! Salamat sa technology transfer!"

At mula naman sa 00 90 533 232 3137: "Sana hindi maputol ang cooperation ng Philippines at China sa agriculture. Marami pang magsasakang Pinoy ang may nais na sumubok ng hybrid rice formula."

Ngayon, tunghayan naman natin ang liham ni Myrna Calayco ng Kowloon Peninsula, Hong Kong. Sabi ni Myrna:

Dear Kuya Ramon,

Puwede pa ring bumati ng Happy New Year, diba? Tanggapin ninyo ang taos-pusong bati ko sa inyong lahat. A Prosperous 2008!

Kasabay naman ng bating ito, gusto ko rin kayong i-congratulate sa inyong magagandang regular at special programs. Natawag ang attention ko ng inyong programa tungkol sa "masagana" o "gintong ani." Sa tingin ko maraming oras ang ginugol ng inyong staff sa pag-produce ng program na ito. Deserve ninyo ang papuri ng mga nakikinig sa inyo.

Pero hindi lang format nito ang napansin ko. Maski yung content kapuri-puri rin. Talagang marami pa ang hindi nakakaalam ng espesyal na paraang ito ng pagpaparami ng inaaning palay. Binigyan ninyo ng mabigat na impormasyon ang inyong audience. Binabati ko uli kayo. Sana magkaroon uli kayo ng ganitong programa.

Siyempre, nakapokus din ako sa inyong regular programs: News, Current Affairs, Travel Talks, Chinese Culture, China-ASEAN, DSF, Alam ba Ninyo, at Gabi ng Musika.

Speaking of Gabi ng Musika, as far as I am concerned, ang mga programs na ito ay nagbibigay ng maraming chances sa mga tagapakinig para i-express ang kanilang opinion hinggil sa inyong mga programa at chances para mapakinggan ang tinig. Ito ay noteworthy.

Request ko lang sa inyo na ngayong 2008, dagdagan sana ninyo ang oras sa pagbabasa ng sulat at SMS ng mga nakikinig para marami kayong mabasang mensahe at one time.

Ipagpatuloy ninyo ang inyong magandang paglilingkod sa Filipino audience. Hindi masasayang ang inyong pagod.

Take care, everybody.

Myrna Calayco
Kowloon Peninsula
Hong Kong

Salamat, Myrna, sa iyong sulat. Hayaan mo at sisikapin naming hatdan kayo ng educational programs na tulad ng "Gintong Ani." Thank you uli at God love you.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.