Kasunod ng pagkakatatag ng naturang munting komite ay nagbunsod ng aktibidad na tinatawag na "isang klase, isang bansa at isang distrito". Ang iba't ibang klase ay pumili ng 23 magagaling na bansa sa Olympic Games at kakatawanin ng isang klase ang isang bansa sa pamamagitan ng porma ng "isang klase, isang bansa".
Ang Huajiadi Elementary School ay nagdaos ng munting Olympic Games kagaya ng porma ng Olympic Games. Ang 23 klase ang siyang 23 delegasyong kalahok sa paligsahan. Sa proseso ng paligsahan, hindi lamang naunawaan ng mga estudyante kung papaano ginaganap ang Olympic Games kundi nauunawaan din nila ang kultura ng iba't ibang bansang kanya-kanyang ginagaya. Sinabi ng isang guro ng naturang paaralan na si Zhang Liangqiong na,
"Sa pamamagitan ng ganitong porma, naunawaan ng mga estudyante ang heograpiya, kasaysayan, edukasyon, kultura, ekonomiya at pulitika ng mga bansang iyon. Pagkatapos, nagdaos pa ang paaralan ng iba't ibang aktibidad kaugnay ng paksang 'isang klase, isang bansa'."
Ngayo'y pinalawak na ang saklaw ng aktibidad--ang mga estudyante ay pumaroon sa kalapit na distrito ng pananahanan. Lagi silang nagdaraos ng paligsahan sa kaalamam tungkol sa Olympic Games o kaya'y paligsahang pampalakasan sa munting saklaw kasama ang mga naninirhan sa kalapit na distrito. Sa gayo'y napalalaganap ang idea ng Olympic Games hanggang sa mga naninirahan sa kalapit na distrito.
Ipinalalagay ni Zhang Liangqiong na isa rin itong edukasyon ng Olympic Games. Nangangahulugang napalalawak ang saklaw ng edukasyon. Taglay ng mga estudyante sa kanilang paglabas ng paaralan ang natutuhan nilang kaalaman at pagkaunawa sa Olympic Games. Isa itong magandang pagpapakahulugan sa "pagsangkot ng buong samayanan sa Olympic Games". Anya,
"Bagama't sa tingin ay maliit na bagay ito, yayamang nakalabas na sa paaralan ang mga estudyante at kasama ang mga naninirahan sa kalapit na distrito. Sa gayo'y nadarama ng mga naninirahan na tutuong makatuturan ang aktibidad na iyon."
Umaabot na ngayon sa 556 paaralan sa interyor ng Tsina ang naging ulirang paaralan ng Olympic Games na gaya ng sa Huajiadi Experemental Elementary School. Ang mga iyo'y parang mga buto ng Olympic Games na nakatanim sa kaibuturan ng puso ng mga mamamayang Tsino, lalong lalo na sa bagong henerasyon ng sambayanang Tsino.
|