Sa loob ng lalawigang Guizhou sa dakong timog kanluran ng Tsina, may malawakang rehiyon ng karst landscape. Ngayong araw, isasalaysay ko sa iyo ang bayang Libo ng lalawigang Guizhou na ninamarkahan minsan ng China National Geography na isa sa sampung pinakamagandang gubat sa Tsina at pinakamagandang lugar ng Tsina.
Ang bayang Libo ay nasa Yunnan at Guizhou Plateau na may katamtamang panahon, lumampas sa 50% ang saklaw ng gubat nito. May dalawang malaking scenic area roon, isa ay world level Maolan karst forest natural reserve na tinatawag na berdeng mamahaling bato sa sinturon ng mundo. Ang isa pa ay Zhangjiang National Park of China. Bukod dito, ang bayang Libo ay isang purok-panirahan ng mga pambansang minoriya ng Tsina, 87% ng populasyon nito ay mga pambansang minoriya.
Sa pulong ng World Natural Heritage na idinaos noong Hunyo ng tinalikdang taon sa New Zealand, ang aytem ng karst ng timog Tsina na iniaplay ng bayang Libo ay inilakip sa listahan ng world natural heritage. Ganitong isinalaysay ni G. Ji Baoshan, direktor ng leading group ng lalawigang Guizhou sa pag-aaply ng world natural heritage na:
Ang kondisyon ng Libo ay nakatugon sa ika-7 at ika-8 istardard ng listahan ng world heritage: may di-pangkaraniwang natural phenomenon, natural beauty at aesthetic value. Namumukod na modelo sa pagpapakita ng mga pangunahing piriyod ng kasaysayan ng ebolusyon ng planetang mundong kinabibilangan ng pagtala ng buhay, pangunahing nagbabagong porma ng lupa, pagbuo ng pangunahing porma ng lupa at katangian ng kalikasan at heograpiya.
Isinalaysay ni G. Ji Baoshan na ang pinakabantog na scenic area ay daqikong at xiaoqikong. Bibisita muna tayo sa Xiaoqikong scenic area.
|