• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-21 10:49:21    
Enero ika-14 hanggang ika-20

CRI
Napag-alaman noong Miyerkules ng mamamahayag na umabot sa 202.5 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN noong isang taon na lumaki nang halos 26% kumpara sa taong 2006 at maagang naisakatuparan nang 3 taon ang target ng 200 bilyong dolyares. Ipinahayag ng may kinalamang dalubhasa ng Tsina na ito ay lubos na nagpapakitang malaki ang nakatagong lakas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN at mataimtim na hangarin sa kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig. Aktibo namang pinasulong ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ang kooperasyon sa pamumuhunan at pagpapalagayang pangkalakalan ng dalawang panig.

Sinabi noong Enero ni Khin Aung Myint, Ministrong Kultural ng Myanmar, na sinang-ayunan ng mga bansang ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea na ibayo pang pahigpitin ang kooperasyong panrehiyon sa larangang kultural. Idinaos kamakailan sa Myanmar ang pulong ng mga ministrong kultural ng ASEAN. Sinabi ni Khin na tinalakay sa pulong na ito ng mga ministro ang kung papaanong mapapasulong ang pagtatatag ng cultural and social community ng ASEAN bago ang taong 2015 at sinang-ayunan pa nila na pahigpitin ang kooperasyong pangkultura at pansining ng ASEAN sa mga larangan ng paggagalugad sa yamang-tao, pangangalaga sa pamanang kultural, pagpapaunlad ng mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal na kultural at iba pa. Noong panahong iyon, idinaos din ang ikatlong pulong ng mga ministrong kultural ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea. Ayon kay Khin, ipinahayag ng mga kalahok na ministro ang pagtanggap sa mungkahi ng Tsina sa pagpapabilis ng pagbalangkas ng plano ng kooperasyong kultural ng Tsina at ASEAN, paglalagda ng ASEAN at Timog Korea ng memorandum of understanding sa kooperasyong kultural at pagsasagawa ng Hapon ng pakikipagkooperasyong kultural sa ASEAN.

Ipinatalastas noong Martes sa Beijing ni tagapagsalita Jiang Yv ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina, mula bukas hanggang darating na Sabado, dadalaw sa Tsina si Pham Gia Khiem, pangalawang punong ministro at ministrong panlabas ng Biyetnam at mangungulo siya, kasama ni Tang, sa ika-2 pulong ng lupong tagapatnubay ng bilateral na kooperasyon ng Tsina't Biyetnam.

Sa isang regular na preskong idinaos dito sa Beijing noong Huwebes, ipinahayag ni tagapagsalita Jiang Yv ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Biyetnames para mapangalagaan ang katatagan ng Beibu Bay at ang aktuwal na kapakanan ng mga mangingisda ng dalawang bansa. Kaugnay ng naganap na pandarambong ng sandatahang bapor ng Biyetnam sa mga bapor ng mga manginginsda ng lalawigang Hainan ng Tsina sa Beibu Bay noong ika-7 ng kasalukuyang buwan, sinabi ni Jiang na pinag-uukulan ng panig Tsina ang malaking pansin ang insidenteng ito, at nagharap ng representasyon sa panig Biyetnames.

Idinaos noong Biyernes sa embahada ng Biyetnam sa Tsina ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-58 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyong Sino-Biyetnamese. Lumahok sa resepsyon sina embahador Tran Van Luat ng Biyetnam sa Tsina, asistenteng ministrong panlabas He Yafei ng Tsina at ang halos 350 kinatawan ng mga kinauukulang departamento at personahe sa iba't ibang sirkulo. Sa kanyang talumpati sa resepsyong ito, nagpahayag ng pag-asa si Tran na walang humpay na uunlad ang pangkaibigang relasyon ng 2 bansa.