Ang 37 taong gulang na si Stephan Mueller ay isang kawaning Aleman sa NETZSCH ng Alemanya na nasa lunsod Lanzhou ng lalawigang Gansu ng Tsina. Mahigit isang taong nananatili hanggang ngayon si Stephan sa Lanzhou at minahal niya ang lunsod na ito, anyang kung maaari, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho at pamumuhay dito.
Noong 2006, nagsimulang pirmihang nakatalaga sa Lanzhou si Stephan bilang Maneger ng Customer Service Center ng NETZSCH sa Tsina. Nauna rito, lagi siyang nagsadya sa Tsina dahil may maraming sangay ng NETZSCH sa iba't ibang lugar ng Tsina. Sinabi niyang nag-iwan ang Tsina sa kanya ng malalim na impresyon.
"Ang pinaka-adbentura dito para sa akin ay iba't iba ang mga rehiyon. Sa Tsina, may baybaying lunsod at interyor lunsod, may sonang malamig at sonang mainit. Nagugustuhan ko ang Tsina."
Sa Lanzhou, aktibo at buong pusong pumalaot si Stephan sa pag-aaral ng kulturang Tsino. Sa Gansu, ang maraming bayan ay dinaanan noon ng silk road at may maraming bantog na makasaysayang pook at mayamang relikyang pansining ng grotto. Halimbawa, ang grotto ng Mo Gao ay pandaigdig na pamanang kultural. Ang Mo Gao grotto ay naging kayamanan niya para ipakilala sa kanyang mga pribadong kaibigan at kliyente. Ang grotto ito ay lugar na pangunahing pinupuntahan niya at kanyang mga bisita.
Isang taon lamang ang nakaraan, nahirati na si Stephan sa pamumuhay sa Lanzhou. Kaya binibiro si Stephan ng kanyang kasamahang siguradong sigurado na ang dating inkarasyon ni Stephan ay isang Tsino.
Si Chai Shaojie ay isang kasamahan ni Stephan at nagi silang magkaibigan. sinabi ni Chai na sa umaga, lagi si Stephan ang siyang unang nakaupo sa kanyang opisina na mga 30 minuto nang maaga sa itinakdang oras ng pagpasok sa trabaho. Sinabi niyang: (sound 2)
"Dapat matuto ako kay Stephan sa pakikitungo sa trabaho. Ayon sa regulasyong kompanya, para sa kanya, hindi kailangan siyang pumasok sa trabaho sa nakatakdang oras. Malayo ang tirahan niya sa kompanya, ngunit hindi kailama'y nahuli siya sa trabaho."
Bukod sa trabaho, laging sumama si Stephan sa kanyang mga kasamahang Tsino sa paglahok sa iba't ibang aktibibad. Magkakasamang silang kumain, maglaro, lumangoy at nag-KTV.
|