Ang ikalawang estraordinaryong aspekto ng ngyon ay ang kayarian nito. Kung titingan mula sa itaas, makikita lamang ang kayarian nito na gaya ng sa pormasyon ng Eight Trigrams-isang pabilog na pagkakaasyos ng kombinasyon ng walong pares ng tatlong buo at putol na linya na nagbibigay ng 64 hexagrams na lamatas sa classic I Ching, o book of changes. Ang topograpiya ng nayon ay katulad ng isang frying pan: na pantay sa gitna, may kahugpong na walong burol sa walong compass direction.
May walong eskinita na nagsasanga mula sa isang lawa na nasa kalagitnaan ng nayon upang magpormang inner Bagua, at ang walong burol na nakapaligid dito ay bumubuo ng outer bagua. Para sa mga baguhan ang ngayon ay isang labyrinth, na imposbileng nakapaglagyag nang walang tulong ng isang giya. Nakaramdam ng katiwasayan ang mga local resident nang malaman nilang ang sinumang magnanakaw na palihim na papasok sa nayon ay tiyak na mahuhuli, sapagkat hindi nila matatagpuan ang daaang palabas.
Ang ikatlong pamabihirang aspekto ng nayon ay ang preserbadong arketektura ng relikyang pangkultura nito, na ang pinakamaaga sa mga iyon ay noon pang may 700 taon na ang nakaraan, sa kabila ng paulit-ulit na digmaan kung saan naaksaya ang napakaraming sinaunang arkitektura noong panahon ng iba't ibang pagpapalit ng mga dinastiya ng Tsina, huwag nang banggitin pa ang di-mabilang na mga pananalasa ng kalikasan, ang Zhuge Bagua Village ay nakatagal sa loob ng maraming siglo sapul nang itayo ito.
Naglalabanan ang mag tropa noong panahon ng Northen Expedition (1926-1927) malapit sa ngayon sa loob ng singkad na tatlong araw pero nakaligatas ito sa mga pamabobomba. Noong panahon ng Digmaang Pagtatangol laban sa pananalakay ng Hapon (1937-1945), nagmartsa ang mga tropa sa kahabaan ng daang kahugpong ng nayon, gayunman, hindi ito natuklasan. Isang bahay lang ang napinsala sa isang air raid ng Hapon.
Noong huling dako ng 1996, itinalaga ang Zhuge Bagua Cillage bilang isang pangunahing lugar na pangkasaysayan na ang mga matatandang gusali nito ay natatangi sa kanilang "iba-ibang porma, natatanging estrukutra at mahusay na pangkukumpuni."
|