Magkahiwalay na nakipagtagpo Huwebes sa Maynila sina Jose De Venecia, Ispiker ng Mababang Kapulungan at Manuel B. Villar Jr., Presidente ng Mataas na Kapulungan ng Pilipinas, kay He Luli, dumadalaw na Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Sa pagtatagpo, tinukoy ni He na nitong ilang taong nakalipas, madalas ang pagdadalawan ng Tsina at Pilipinas sa mataas na antas, at natamo ang malaking progreso ng kanilang pagtutulungan sa mga larangang gaya ng pulitika, kabuhayan at kultura. Pinasalamatan din niya ang pananangan ng pamahalaan at parliamento ng Pilipinas sa patakarang isang Tsina, at umaasa siyang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa para mapasulong ang kanilang estratehikong relasyong pangkooperasyon. Ipinahayag ng panig Pilipino na dapat magkasamang magsikap ang Pilipinas at Tsina para magkasamang lumikha ng magandang kinabukasan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at mapasulong ang pag-unlad ng Asya.
Kinatagpo noong Lunes sa Bandar Seri Begawan ni Haji Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei si Cao Gangchuan, dumadalaw na Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina. Sinabi ni Bolkiah na ang lalo pang pagpapaunlad at pagpapalalim ng relasyong pangkooperasyon at pangkaibigan ng dalawang bansa at dalawang hukbo ay palagiang patakaran ng Brunei. Inulit ni Bolkiah na bugong tatag na nananangan ang kaniyang bansa sa patakarang isang Tsina. Sinabi naman ni Cao na pagkaraang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Brunei, mabunga ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa pulitika, kabuhayan, kultura at iba pang larangan. Ipinahayag din ni Cao na hinahangaan at pinasasalamatan ng panig Tsino ang pananangan ng pamahalaan ng Brunei sa patakarang isang Tsina at pagkatig sa usapin ng unipikasyon ng Tsina. Nang araw ring iyon, kinausap naman si Cao Gangchuan ni Bato Seri Paduka Hj Mohammad Yasmin Hj Umar, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Brunei.
Pagkaraan ng pagdalaw sa Brunei, mula noong Martes hanggang Araw ng Linggo, nagsagawa si Cao ng pagdalaw sa Indonesya at kinatagpo siya ng mga opisyal ng Indonesya na kinabibilangan nina pangulong Susilo Bambang Yudhoyono, pangalawang pangulong Yusuf Kalla, ministrong pandepensa Juwono Sudarsono at iba pa.
Sa pagtataguyod ng Asosyasyon sa Pagpapasulong ng Mapayapang Reunipikasyon ng Tsina sa Pilipinas, idinaos noong Sabado sa Maynila ang ika-3 porum ng Asya hinggil sa mapayapang reunipikasyon ng Tsina. Lumahok sa porum ang halos 700 personahe mula sa 23 bansa at rehiyon ng daigdig. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, inilahad ni Song Tao, embahador ng Tsina, ang patakaran ng kanyang bansa sa isyu ng Taiwan. Binigyan din niya ng mataas na pagtasa ang porum at sinabing ito ay magpapatingkad ng mahalagang papel para mapigilan ang mga seperatistang aksyon ng "pagsasarili ng Taiwan" at mapasulong ang katatagan at kaunlaran ng relasyon ng magkabilang pampang. Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Jose De Venecia, ispiker ng mababang kapulungan ng Pilipinas, na ang prinsipyong isang Tsina ay pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Pilipino at ang paggagarantiya ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay angkop sa kapakanan ng Pilipinas. Inulit niyang iginigiit ng Pilipinas ang prinsipyong isang Tsina at buong tatag na tinututulan ang anumang seperatistang aksyon ng "pagsasarili ng Taiwan".
|