Sinabi ni Park na ayon sa regulasyon, panahon na para sa kanya na magretiro, ngunit, makapagpapatulong pa siya ng kanyang gawain sa ilang panahon. Umaasa siyang sa panahong iyon, buong sikap na pabubutihin ang gawain ng SK sa pamumuhunan sa loob ng Tsina para maglatag ng matibay na pundasyon para sa pamumuhunan ng SK sa Tsina.
"Hangga't nananatili ako sa SK, dapat pabutihin ko ang negosyo sa Tsina at patibayin ang pundasyon ng SK. Ito ay pinakamlaking mithiin ko."
Sinabi ni Park na dahil maiksi ang panahon ng pagpasok ng SK group sa Tsina, ang pag-rereserba ng talento para sa pag-unlad ng komanya sa hinaharap ay isa sa mga pangunahing tungkulin niya sa kasalukuyan. Sinabi niyan gpagkatapos ng 10 taon o 20 taon, tiyak na magkakaroon ang SK ng isang grupo ng talento sa Tsina. Sa panahong iyon, manunungkulan ang mga kawaning Tsino bilang mataas na namamahalang tauhan sa mga bahay-kalakal ng SK sa mga bansa ng Timog Silangang Asya. Umaasa din siyang 154 taong pagkaraan nito, may kawaning Tsino na uupo sa kanyang kasalukuyang puwesto.
"27 taong nakraraan, nang mamakukan ako sa SK, ipinalalgay kong aasenso lamang siya kung uunlad ang kompanya, dapat gayong ding isipin ng mga kawaing Tsino: 'dapat umunlad ako kaalinsabay ng komanya'."
Dahil sa malaking pagkakataon ng negosyo na dulot ng matatag at mabilias na pag-unlad, ang Tsina ay naging isang nakaaakit na lugar ng pamumuhunan ng iba't ibang bansa. Paaanong sasamantalahin ang bawat pagkakataon at palalawakin ang negosyo ng SK sa Tsina ay isyu na isinasaalang-alang ni Park bawat araw.
Sinabi ni Park na nitong 2 taong nakalipas, sa ilalim ng pagkatig ng pamahalaang Tsino, matatag na tumatakbo ang SK. Lubos ang kanyang kompiyansa sa hinaharap.
|