• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-24 21:42:09    
Goose and Duck, isang kilalang restauran ng Pilipinong ulam sa Beijing

CRI
Linggo ay araw para sa mga Pilipino na pumunta sa iglesya, napananatili ang ugaling ito ng mga Pilipino dito sa Beijing. Pero, may isa pang aktibidad sila sa linggo, alalaong baga'y, pagkaraan ng pag-misa pinagdaragsaan nila ang bar na "Goose and Duck" na nag-aalok ng orihinal na ulam na Pilipino.

"Goose and Duck" ay ngalan ng isang Bar, ang Pilipino pagkain dito ay kilala sa Beijing.

Paminsan-minsan, nag-aawit si Granda sa "Goose and Duck", iniibig niya ang kapaligiran dito. Nang magtipon-tipon ang mga Pilipino, nag-aawit siya ng mga awiting Pilipino, ang favourite song niya ay isa sa sinaunang awiting bayang natuto siya sa kaniyang lola.

Si Juanita ay isang kusinero sa "Goose and Duck", isinalaysay niyang makakabili ng maraming sangkap ng Pilipinong ulam sa Beijing, pero, upang panatilihin ang pagkadalisay ng lasa, direkta nilang angkatin ipinadala ang mga materyal mula sa Pilipinas.

"Halimbawa, ang tamarid sa Sinigang at Hot pot ay mula sa Pilipinas. "

Si Juanita ay isang bihasang kusinero, halimbawa, mahusay siya sa pagluto ng Nilagang Bakang may halong kaniyang homemade soup. Kamakailan lamang, batay sa tradisyonal niyang nilagang baka, inimbento niya ang bagong resipe ng Hotpot ng Nilagang Bakang. Ikinasisiya ni Juanita na hindi lamang ibig ito ng mga Pilipino, kundi ibig ng mga Tsino at tao mula sa iba't ibang bansa. Sinabi ni Juanita na:

"Maasim maasim na ang suka sa Tsina, hindi tulad ng suka sa Pilipinas, kaya, kakaunti lamang ito ang inihalo sa Hotpot ko para mas malinamnam ito."

Ang Hotpot ay isang uri ng ulam na ginagigiliwan ng kapuwa Tsino at Pilipino at ang Hotpot sa Pilipinas ay sinasabi raw na idinala ng mga Tsino sa Pilipinas. Ang Hotpot ay nagsisilbing pinakamalakas na katunayan ng pagiging halu-halong ng kultura ng pagkain ng Tsina at Pilipinas.

Patuloy sa ika-31 ng Enero