• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-01-25 19:29:55    
Ang Katakam-takam na Long Beans with Prawns

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo?

Kumusta na kayo, Cooking Show fans? Ang putahe natin ngayong gabi, gaya ng sinabi ng guest cook nating si Cherilyn Reyes, ay Long Beans with Prawns.

Si Cherilyn ay maagang natutong magluto at nasisiyahan siyang ibahagi sa atin ang kaniyang nalalaman sa pagluluto ng mga pagkaing Tsino. Sabi niya mas madaling pag-aralan ang mga lutuing Tsino kasi karamihan sa mga ito ay may similarity o pagkakahawig sa local dishes.

Ngayon, naritong muli si Cherilyn para sa mga sangkap ng Long Beans with Prawns.

Ok, naritong muli ang mga sangkap at uulitin ko:

375 gramo ng long beans
1 kutsara ng langis ng panluto
1 piraso ng bawang, dinikdik nang pino
6-8 piraso ng maliliit na prawns, inalisan ng balat
1 kutsara ng tubig
1/4 na kutsarita ng asin

Ngayon, ipakikita sa atin ni Cherilyn kung paano inihahanda ang Long Beans with Prawns.

Salamat sa iyong pagpapaunlak sa amin, Cherilyn. Huwag kang madadala, ha? Oh, makinig kayong mabuti. Naritong muli ang paraan ng pagluluto:

1. Tanggalin muna ang mga naiwang bahagi ng tangkay sa magkabilang dulo ng long beans tapos putulin ang mga ito sa habang 4 centimeters.

2. Mag-init ng mantika sa kawali at mag-gisa ng isang piraso ng dinikdik na bawang. Pag medyo kulay ginto na ang bawang, ihulog ang prawns at igisa rin kasama ng bawang hanggang sa magbago ang kulay.

3. Isunod ang beans. I-stir-fry ang mga ito sa loob ng 3 minuto, tapos buhusan ng kaunting tubig sa ibabaw at budburan ng asin. Takpan ang kawali at ilaga ang beans hanggang sa maluto. Kung meron pang natitirang likido, dagdagan ang apoy at alisin ang takip ng kawali para sumingaw ang likido. Sabi ni Cherilyn, mas maganda raw kung maisisilbi ito pagkalutung-pagkaluto.

Medyo mahaba-haba pa ang oras natin. Bigyang-daan natin ang ilang emails. Unahin natin itong kay Let Let Alunan ng Germany. Sabi: "Hindi ko nasusundan ang lahat ng episodes ng inyong learn to cook program na madalas ninyong i-air isang Biyernes sa isang buwan, pero kumbinsido ako na maraming babaeng tagapakinig (o maging lalaki man) ang nakaantabay dito kasi pawang Chinese recipes ang ipini-present. Dito sa Europe, nauuso na rin ang Chinese foods sa hapag kainan at marami na rin ang gumagamit ng chopsticks sa halip ng kutsara at tinidor. Kami mismo ay ganun. Hindi na rin mahirap hanapin ang mga ingredients dahil available ang mga ito sa Asian shops."

Salamat sa email mo, Let Let.

Sabi naman ni Lara ng Shunyi, Beijing: "Nagluluto ako as a hobby at mas pinipili ko ang Chinese foods kasi mas malapit ito sa panlasa ko bilang Pilipino. Sa pamamagitan ng programang Cooking Show ni Kuya Ramon, nadagdagan ang kaalaman ko sa Chinese cuisine at ang hobby ko ngayon ay naka-concentrate sa Chinese foods gawa ng pagdating ng tamang panahon at naisipan kong ituloy ang pinaplano kong catering service, majority ng mga iaalok ko sa mga magiging parokyano ko ay Chinese foods. Sana dumalas pa ang pagtatanghal ninyo ng Chinese recipes on the air."

Salamat, Lara. Kumusta sa mga kababayan diyan sa lugar ninyo, ha?

Sabi naman ni Jane ng Riyadh, Saudi Arabia: "Binabati kita, Kuya Ramon, dahil maganda ang resulta ng iyong pagpapakitang-luto sa himpapawid. May mga listeners na nagsimula lamang magluto nang marinig ang iyong programa; meron namang kinawilihan lamang ang mga lutuing Tsino nang matikman ang mga niluluto ninyong recipe; at meron namang nakapagsimula ng negosyo pagkaraang matuto sa inyo. Naniniwala akong marami pa kaming matututuhang lutuin sa inyong programa."

Salamat sa email, Jane.

Sabi naman ni Manny Bornhauser ng Gachnang, Switzerland: "Gaya rin naman ng iyong Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika, Nakakaramdam ako ng excitement sa iyong Cooking Show. Ito ay hindi talaga dahil sa pagluluto o learning to cook. Ito ay dahil sa Chinese recipes. Gusto kong malaman kung paano pini-prepare ang Chinese foods na kinakain namin pag nagpupunta kami sa mga restaurant dito na nagsi-serve ng Chinese foods Once a week nagpupunta kami sa downtown para kumain ng Chinese foods at praktisado kami sa paggamit ng chopsticks. I think isa sa dapat matutuhan ng mga nag-aaral ng Chinese culture ang pag-aaral ng Chinese recipes. Good luck sa programa na ito."

Thank you rin, Manny.

Sabi naman ng SMS mula sa 916 642 8734: "I like your Cooking Show. Ito ay entertaining at informative at isa ring programang pampamilya."

Salamat sa iyong text message.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming- maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.